Chapter 40: Parking
Mabilis na natapos ang isang linggo namin ni Ken. Iyon na ang nag-silbing honeymoon namin. Worth it naman at masaya dahil kaming dalawa lang ang mag-kasama mula umaga hanggang gabi.
Walang lilipas na gabi na hindi namin papansinin ang init ng katawan namin. Bawat gabi ay ipinapakita niya sa akin ang pag-mamahal niya at ganon din naman ako sa kaniya. Hindi nga tuwing gabi lang eh.
Pagkatapos na pagkatapos ng isang linggo naming bakasyon ay nag-simula na agad ang orientation ko sa kompanya nila Ken. Siya naman ay regular na din ang trabaho sa kompanya nila gaya ni Ate Jackie.
Halos mag-iisang buwan na kaming kasal ngayon ni Ken at may trabaho na din ako sa kompanya nila, hindi nga lang mataas ang posisyon. Hindi ako pumayag na mataas agad ang posisyon ko. Ang unfair naman kasi no'n sa iba.
Kaya nandito ako ngayon sa marketing department bilang employee. Nakaka-pagod pala mag-trabaho sa opisina. Nahinto na din ang pag-tatrabaho ko sa eskwelahan dahil may kailangan ko itong pag-tuunan ng pansin.
Kasalukuyan ako ngayong gumagawa ng report. Minamadali ko 'to dahil medyo istrikta yung head namin dito. Lagi kasi akong pinapagalitan kahit na may maliit na pagkakamali akong nagagawa. Halos kasing edad ko lang naman siya pero hinahayaan ko nalang kasi mas mataas parin ang posisyon niya kaysa sakin.
"Katrina, hindi ka parin tapos sa report? Mamaya na ang pasahan niyan!" ayan nanaman siya.
"May isang oras pa naman ako." mahinahon kong sagot.
"'Yan! Puro dahilan! Kaya hindi umuunlad itong department natin eh, dahil sa mga employee na ang babagal kumilos!"
Nanatiling tahimik ang buong office, habang siya naman puro sigaw. Umikot siya sa bawat desk at tinignan ang ginagawa naming lahat.
"Leslie, bakit naka tunganga ka lang diyan? Ha? Kumilos ka!" sigaw niya kay Leslie na nasa tabi ko. Siya lang ang kasundo ko dito.
"Ikaw din naman walang ginagawa ah. Palakad lakad ka lang diyan. Hindi makakatulong yung pag-sigaw sigaw mo diyan." matapang na sagot ni Leslie.
Lagi kaming nag-uusap ni Leslie tuwing lunch. Lagi din siyang nag-rereklamo sa akin tungkol sa ugali ng head namin na si Trixy.
Hindi talaga sinasagot ni leslie si Trixy, pero napuno na siguro siya ngayon.
"Aba. Wala kang karapatang sagot sagutin ako." sabi ni Trixy.
"Wala ka ding karapatang sigawan ako. Head ka lang namin dito. Kung wala kami, hindi magiging maayos ang department na 'to. Tsaka wag kang feeling boss Trixy. Head ka lang sa department na 'to. Any time, pwedeng pwede kang mapalitan. Kung si Katrina nga na asawa ng anak ng may-ari ng kompanya, mapag-pakumbaba. Ikaw pa kayang head lang dito?" sagot muli ni Leslie.
Gusto kong palakpakan si Leslie dahil sa ginawa niyang pag-sagot kay Trixy. Naiinis na din ako doon minsan eh, pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi ayaw kong mag-mukang mayabang.
Natahimik nalang si Trixy at nag walk out. Nilingon ko naman si Leslie at nginitian namin ang isa't isa. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa trabaho ko.
Nang dumating na ang oras ng lunch ay inayos ko na ang mga gamit ko. Umabot naman sa oras yung report ko, hindi ako na-late ng pasa.
"Saan ka kakain Kat? Sabay ka sakin?" tanong ni Leslie habang inilalagay niya sa table niya ang baon niyang tanghalian.
Umiling ako. "Sabay kasi kami ni Ken eh. Sorry ah, sa susunod nalang siguro." sagot ko.
"Ay, sige. Ayos lang. Enjoy kayo ni Sir." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...