CHAPTER 25: Loathe

803 37 27
                                    

Chapter 25: Loathe

Dumiretso na kaming lahat sa hapag. Nasa pinaka-dulo ang Papa ni Ken, sa kaliwa naman ay ang Mama niya at sa kaliwa ng mama niya ay si Ate Jackie. Kaharap naman ni Ken ang Mama niya at kaharap ko si Ate Jackie.

Kasalukuyan na kaming kumakain pero hindi ako makapag-focus.

"So, Katrina right? What is your surname?" tanong ng Mama ni Ken.

Umayos ako ng upo. "Reyes po. Katrina Juana Merille Reyes."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Reyes. I haven't heard that surname in our company before. Where do you work?"

"Nag-tuturo po ako ng mga preschool sa isang eskwelahan." sagot ko.

Tumango tango siya. "Hmm, teacher. How about your parents? Anong pangalan ng kompanya nila?"

Bahagya akong umiling. "Wala po kaming kompanya. Nasa probinsya po yung mga magulang ko."

Seryoso itong tumingin sa akin na para bang may nasabi akong mali. Ibinaba na din niya ang hawak niyang utensils.

"Saan kayo nag-kakilala ni Ken?" she asked again.

Ken cleared his throat. "Uhm, Ma. We met here in Manila." sagot niya.

"Ken, I'm asking her, okay?"

Napalunok ako dahil doon.

"Tama po 'yon, nag-kakilala po kami dito sa Manila." sabi ko nalang.

Hindi naman namin pwedeng sabihin na naging manok siya at nag-kakilala kami sa probinsya. Baka atakihin sila sa puso.

"So, your parents don't own a business. You came from a province. And you are just a preschool teacher." seryosong naka-tingin ngayon sa akin ang Mama ni Ken. "What do you think you can provide to my son?"

"Ma."

"Shush Ken."

Para bang may tumarak sa puso ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Parang may umapak sa buong pagkatao ko.

"You looked like you came from a wealthy family. You're wearing a nice dress, accessories, and a pair of shoes. But you came from a," huminto siya ng ilang segundo tsaka niya kinunot ang noo niya. "From a family that doesn't even have a name in business industry. Where did you get your money to buy everything that you're wearing? From my son's pocket?"

"Ma! She's not like that!" medyo malakas na sabi ni Ken.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil minamaliit ako at ang pamilya ko. At ang malala pa doon ay magulang pa mismo ng taong mahal ko.

"No Ken. I can clearly see that she's just using you to get money and after that, boom! She'll be gone!"

Wala nang kumakain na isa sa amin. Nanatili namang tahimik si Ate Jackie at ang Papa niya. Nakikinig lang.

"Ma! You're thinking something wrong! She's not a gold digger like what you're trying to point out!"

Hinawakan ko ang kamay ni Ken para sabihing tumigil na siya. Medyo lumalakas na kasi ang boses niya ay magulang niya ang kausap niya. Hindi tama 'yon.

Lumingon siya sakin at nasalubong ko ang nag-aalala niyang muka.

"Ayos lang." pinilit kong ngumiti.

"Tell me what do you want from my son. Money? House? Car? Tell me everything you want. Layuan mo lang siya. He don't deserve someone like you. There are a lot of better woman that chase after him. He won't end up with someone like you." may diing sabi nito.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon