I accidentally published Chapter 28 yesterday. Actually hindi ako, yung kapatid ko. Hahaha. Nag-tatype ako tapos bigla ba naman akong nilikot, napindot tuloy yung publish. My golly.
Anyway, enjoy this chap! Thank you.
Chapter 22: Rose and Note
Kanina pa naka-ngiti si Ken. Hindi rin niya binitawan yung kamay ko hanggang sa makarating na kami sa parking. Ngayon lang niya binitawan nung nag-dadrive na siya.
Ang cute niya ngumiti, napapa-ngiti din tuloy ako.
Lumingon nalang ako sa bintana tsaka ko pinakawalan ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. Nakikiliti nanaman yung muka at tiyan ko. Kinikilig ako!
"Hey Kitty, don't hide your face." rinig kong sabi niya.
"Bakit ba?"
"I wanna see your face."
Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Baka mag-sawa ka eh."
He snorted. "Bakit naman ako mag-sasawa? Harap na."
Inayos ko ang muka ko. Inalis ko ang ngiti sa labi ko tsaka ko ibinalik ang tingin ko sa harap.
"Ayan. Happy?" I asked.
"Ecstatic."
Wag kang ngingiti. Wag kang ngingiti. Wag.
Nilingon ko siya nang marinig ko ang mahina niyang pag-hagikgik.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?" tanong ko sa kaniya.
"Nothing. You're just so cute when you're trying not to smile." sagot niya.
"Hoy, ano ka. Hindi naman!" nag-salubong ang dalawa kong kilay.
"Asus. Kunwari ka pa eh ngigiti ka din naman. Sus, kilig 'yan? Aminin mo na, kinikilig ka sakin." panunukso niya.
Tama naman siya eh, I was trying so hard not to smile. Baka kasi isipin niya na mas kinikilig pa ako kaysa sa kaniya.
"Tumigil ka nga! Hindi ako kinikilig. Baka ikaw kinikilig." tumawa ako. "Kinikilig yung manok!" panloloko ko sa kaniya.
"I won't deny. It's because you're so cute, Kitty." may ngiti niyang sagot.
Pinigilan ko ang ngiti ko. Yumuko ako at tinakpan ng dalawang kamay ang muka ko dahil sa hiya. I failed!
Narinig ko ang pag-tawa niya. "See, I told you. Kinikilig ka din sa akin." sabi pa niya.
"Tse! Mag-drive ka na nga lang! Manok manok manok!" I tried so hard to tease him.
"Yeah, and this chicken will attack you if you won't fix the way you're sitting."
Inayos ko amg sarili ko tsaka ako bumalik sa dati kong upo. Sineryoso ko din ang muka ko para hindi na niya ako inisin. Tumingin nalang ako sa harap.
Nilingon ko siya nang hawakan niya ang kaliwa kong kamay.
"Hoy ano ba, baka mabangga tayo." iyon nalang ang sinabi ko, but I find it somehow sweet.
"Sa tingin mo hahayaan kong mapahamak ka? Mauuna muna akong masaktan bago ka masaktan. Or much better, ako nalang ang masaktan wag lang ikaw." seryoso niyang sabi.
Woooh! Lord, easy lang po ha. Gusto kong sumigaw! Wahhh!
Nag-iinit na tuloy ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hinigpitan ko nalang ang pagkaka-hawak sa kamay niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pabalik. Hindi ako sanay sa ganito pero ang sarap sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanficOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...