CHAPTER 36: Yes

1K 41 16
                                    

Chapter 36: Yes

Pagkatapos ng nangyari noong araw na 'yon, lagi na akong binabantayan ni Ken sa ospital. Dinagdagan pa kasi ng dalawang araw ang stay ko dito. At kahapon ang last day. Araw na para maka-labas ako dito.

"Don't forget to take your medicine on time okay? Yung mga ipinag-babawal din tsaka yung mga kailangan mong limitahan, tandaan mo palagi. Pag hindi pa umayos ang pakiramdam mo after 6 to 8 weeks, magpa-schedule ka nalang ulit ng check-up. Okay?"

Naka-ngiti akong tumango sa doktor ko.

"Salamat po dok!" I said.

She also smiled at me. "Oh sige. Mag-pagaling ka na ah. Excuse me." iyon ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Naka-bihis na ako ng pang-alis. Inalis na din yung IV na naka-kabit sa akin. Naka-ayos na din yung mga gamit ko at bayad na ang lahat ng bills.

Dinalaw ako dito ni Ate Jackie noong nakaraang araw. Humingi siya sa akin ng sorry at nag-paliwanag siya. Sino ba naman ako para hindi mag-patawad? Tsaka naiintindihan ko naman siya. Ayos na ang mga nangyayari, gusto ko din maging maayos na ang lahat.

Gusto ko na ding maging maayos kami ng Mama ni Ken.

"Oh, nandito na si Ken. Naka-ayos ka na ba?" tanong ni Mama.

Tumango ako. "Ayos na ako Ma." sagot ko.

"Nasaan po yung ibang gamit ni Kat? Ako na po ang mag-bubuhat." tanong ni Ken.

Itinuro sa kaniya ni Mama at Papa ang ilan sa mga gamit ko. Nakaka-hiya naman. Supot lang ng mga hindi ko naubos na pagkain yung dala ko.

"Let's go." aya ni Ken.

Lumabas na kami sa kwarto ko. Sa wakas! Makaka-labas na ako sa ospital. Nakaka-miss naman mag-lakad lakad.

"Humawak ka sa braso ko." sabi ni Ken habang nag-lalakad kami.

Mag-kasabay kaming nag-lalakad at sabay naman si Mama at Papa sa likuran namin.

Wala namang hawak ang kaliwang kamay ko kaya humawak nalang ako sa braso niya gaya ng gusto niya.

Wala kaming imik hanggang sa maka-labas na kami sa ospital.

"Ingat kayo ah. Ken, si JM." sabi ni Mama na parang nag-bibilin.

Ha? Bakit? Hindi sila sasabay sa amin?

"Hindi ba kayo sasabay sa amin Ma?" tanong ko.

Umiling siya. "Susunduin kami ng Kuya Renz mo. Doon muna kami tutuloy sa bahay nila ng Ate mo hangga't hindi pa kayo–"

"Hangga't hindi ka pa nagiging maayos." putol ni Papa sa sinasabi ni Mama.

Nag-takip ng bibig si Mama. Lumingon naman si Papa kay Ken at ngumiti ng makahulugan.

Anong ginagawa ng mga 'to?

"Sige po, mauna na kami. Ingat din ho kayo." sabi ni Ken.

Nag-mano at nag-paalam muna kaming dalawa kay Mama at Papa bago kami tuluyang sumakay sa kotse niya.

Binuksan niya ang mga bintana at nakasara din ang aircon. Kagaya ng lagi niyang ginagawa.

"Saan pala tayo pupunta ngayon?" tanong ko.

"We're going home." sagot niya.

"H-Home?" bigla naman akong kinabahan.

Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay. "Don't worry, Mom likes you this time. Naipaliwanag ko na sa'yo yung tungkol doon diba?"

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon