CHAPTER 30: Goddess' Help

796 41 24
                                    

Chapter 30: Goddess' Help

Kelsey's Point of View

It's been 10 minutes since JM left my room but she's still not here. Saang lupalop na ba nag-punta 'yon? Naka-ayos na ang lahat, siya nalang ang hinihintay.

Ang sabi niya banyo, pero hindi naman niya sinabi kung saang banyo. Baka banyo sa pluto.

"Asan na ba yung batang 'yon? Baka naman nalunod na siya sa inidoro." sarkastiko kong sabi.

"Baka naman kasi maraming pila sa canteen. Hayaan mo na, hintayin nalang natin." sabi naman ni Renz.

Mabuti nalang nandiyan si Renz para pakalmahin at pakiligin ako. Ang swerte swerte ko talaga sa asawa ko.

Kahit na ano pang malaman ko tungkol sa kaniya, mabuti man o masama, mamahalin ko parin siya. At wala nang makakapag-pabago nun.

Nag-hintay pa ulit kami ng ilang minuto para sa pag-dating ni JM. Pero limang minuto nanaman ang lumipas, wala parin siya.

Naiinip na ako. "Tara na nga. Hanapin nalang natin siya." aya ko kay Renz.

"Sigurado ka? Baka mabinat 'yang braso mo. Kaya mo bang mag-lakad?" nag-aalala niyang tanong.

"Braso ang nabali sa akin Renz, hindi binti. So malamang, kaya kong mag-lakad." sagot ko.

Umiling iling nalang siya habang naka-ngiti. "Sungit naman ng asawa ko. Sige na, tara na. Baka magalit ka nanaman. Iisipin ko na tuloy na buntis ka."

Hindi ko na napigilang ngumiti dahil sa sinabi niya. "Tse! Mabubuntis ba ako kung walang sperm cell!"

Mahina siyang natawa tsaka niya ako maingat na niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Akala ko ba ayaw mo pang magka-baby?" tanong niya habang naka-yakap parin sa akin.

"Hmm, ikaw ba? Ayaw mo pa bang magka-baby tayo?" tanong ko sa kaniya pabalik.

"Syempre gusto. Pag-payag mo lang naman yung hinihintay ko." sagot niya.

Humagikgik ako. "Sige, pag gumaling na ako."

Hinalikan niya ulit ako sa pisngi. "Sabi mo 'yan ah. I'll hold on to that."

"Oo! Tara na nga, hanapin na natin si JM. Baka kung napano na yung batang 'yon."

...

Katrina's Point of View

"Hindi mo talaga titigilan ang anak ko 'no? Ganon ka na ba talaga ka-desperada sa pera?" gigil niyang sabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Nandito din si Ken? Nasa iisang lugar lang kami. Ibig sabihin, abot kamay ko lang siya.

Lumunok ako at sinubukang alisin ang lahat ng kaba na nararamdaman ko. Inisip ko yung mga sinabi sa akin ni Ryza noon.

Minsan, kailangan ko ding sumagot lalo na kung naaapakan na ang pagkatao ko.

"Excuse me lang po. Itatama ko lang po yung sinabi niyo, nandito po ako sa ospital na 'to para sa Ate ko. Hindi ko po alam na lumipat na po pala ng ospital si Ken." sambit ko sa magalang ma boses.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon