CHAPTER 42: Danger

1.3K 38 30
                                    

Chapter 42: Danger

Pinilit ko lang ang sarili ko na bumangon para sa trabaho. Kahit na gustong gusto kong mahiga mag-hapon, hindi ko naman pwedeng gawin 'yon.

Kaya eto ako ngayon sa desk ko, naka-tunganga sa laptop. Nakaka-stress na. Naiinis na din ako. Nakaka-tamad.

Gusto ko bigla ng triple chocolate cake.

"Saan may bilihan ng cake?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

Naiimagine ko palang ang itsura at lasa no'n, nag-lalaway na ako. Grr. Mag-papabili talaga ako kay Ken mamaya.

"Bigla bigla ka nalang nag-sasabi ng kung ano anong pagkain. Kanina sabi mo gusto mo ng barbeque, tapos cake naman ngayon." sambit ni Leslie.

"Nag-lalaway ako sa barbeque. Ang sarap naman. Gusto ko na tuloy ngayon." reklamo ko.

"Kamusta pala yung PT mo? Anong resulta? Buntis ka ba?" tanong ulit niya.

Oo nga pala. Nakalimutan ko na yung tungkol doon.

"Hindi ko pa nagagamit eh. Mamaya, gagamitin ko na talaga. Nakalimutan ko kasi." sagot ko.

Bakit ko nga ba nakalimutan? Una sa lahat, dahil doon sa nakita ko sa parking. Tapos yung sa kusina...

Umiling iling ako nang maalala ko ang mga pangyayaring 'yon. Nakikiliti nanaman ako.

"Oh? Naka-ngiti ka naman ngayon. Alam mo, duda na talaga ako sa'yo eh." ani Leslie.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapa-ngiti doon? Nag-iinit ang muka ko sa tuwing naaalala ko yung nangyari nung isang araw.

Mabuti nalang at hindi masyadong marami ang kailangan kong trabahuhin ngayon. Mas madami pa nga yung tunganga ko kaysa sa gawa eh.

Nang dumating na ang lunch time ay nag-mamadali akong nag-ayos ng gamit. Gusto ko nang kumain ng cake at barbeque.

"Babye na Leslie!" paalam ko sa kaniya.

"Sige. Balitaan mo ako sa resulta ng PT mo ah?"

Nginitian ko nalang siya tsaka ako tumango. Lumabas na agad ako sa office at saktong pag-labas ko sa pinto ay nandoon na si Ken.

"Let's go?" aniya.

Humawak ako sa braso niya habang nag-lalakad kami papunta sa kotse niya.

"Gusto ko ng chocolate cake tapos barbeque. Gusto ko madami." sambit ko nang maka-sakay na kami sa kotse.

"Okay. Hahanap tayo." sagot niya.

Agad naman akong sumaya dahil doon. Nag-lalaway na talaga ako! Gustong gusto ko na ng maraming barbeque.

"Pupunta pala tayo bukas ng hapon sa mansion. Wag ka nang pumasok sa hapon. Ako na'ng bahala." aniya.

"Sige. Bakit pala?"

"We'll visit Mom. She messaged me earlier."

Tumango nalang ako. Nakaka-miss din sa bahay na 'yon. Marami akong memories doon.

Kung saan saan kami naka-rating para lang maka-hanap ng barbeque. Mabuti nalang at may nadaanan kaming isang tindahan. Napaka-daming binili ni Ken para sa akin.

Ibinili din niya ako ng triple chocolate cake na gusto ko. Pagkatapos no'n ay kumain parin kami ng kanin sa restaurant dahil iyon ang sabi niya.

Pagkatapos naming mag-tanghalian ay bumalik na din agad kami sa building. Inihatid ulit niya ako hanggang sa tapat ng office.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon