CHAPTER 5: Protector

962 47 11
                                    

Chapter 5: Protector

Dire-diretso akong pumasok sa bahay bitbit parin ang tandang gamit ang kanang braso ko. Dumiretso ako sa kwarto ko tsaka ko ibinaba ang bag ko sa kama ko.

Iniharap ko sa akin ang manok na hawak ko tsaka ko ito tinitigan.

"Bakit mo ginawa 'yon? Pag ikaw kinatay ni Kyle, gagawin ka nong pulutan." sambit ko sa boses na parang nakikipag-usap sa bata.

Pumikit nalang ako nang mag-liwanag ang manok na hawak ko. Mula sa magaang tandang, ngayon ay isang matangkad na lalaki na ang nasa karapan ko at naka-titig din siya sa akin.

Hanggang ngayon, namamangha parin ako.

"Wala siyang karapatang mamilit ng babae." sambit niya sa malalim na boses.

For the first time, I felt comfortable with his words. Kumunot ang noo ko dahil sa napansin ko sa muka niya. Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at idinampi iyon sa maliit na sugat sa kilay niya.

"Aray, masakit." reklamo niya.

"Napano 'yan?" tanong ko sa kaniya. May ideya na ako kung saan niya nakuha 'yon. Gusto ko lang manigurado.

"Wala." maiksi niyang sagot tsaka niya hinawi ang kamay ko.

"Tinamaan ka ba ni Kyle kanina?" tanong ko ulit.

Umiwas siya ng tingin. "Hindi."

Maliit lang naman 'yon pero namumula iyon dahil sa namuong dugo. Malamang natamaan siya kanina ni Kyle habang binubugaw siya nito.

Pinaupo ko siya sa kama ko at binuksan ang cabinet ko para kumuha ng bulak, betadine at band aid. Ini-lock ko na din ang pinto ko dahil baka bigla nalang pumasok si Mama o si Papa sa kwarto ko. Siguradong mag-wawala ang mga 'yun pag nakita nilang may lalaki akong kasama sa kwarto ko.

Naupo ako sa gilid niya at nilagyan ng betadine and bulak. Iniharap ko sa akin ang bahagi ng muka niya na may sugat. Hindi naman na siya nag-reklamo at hinayaan nalang akong gawin ang ginagawa ko.

Parrhas kaming tahimik habang ginagamot ko ang sugat niya. Hindi naman ako ganon ka-tapang o ka-walang pakialam para hindi man lang mag-pasalamat sa kaniya. Nagka-sugat pa siya dahil sa akin.

He did flinched when I was trying to put band aid on his wound. Kaya mas ginaanan ko pa ang kamay ko para hindi siya masaktan.

Nang mailagay ko na ang band aid sa sugat niya ay binigyan ko siya ng nag-aalinlangang ngiti. He was staring at me the whole time.

Umiwas siya ng tingin sa akin at tumayo sa kama ko tsaka humakbang ng dalawang beses papalayo. He's still topless. Hindi na niya nagawnag mag-nakaw ng damit mula kay Papa.

"Arte mo naman. Ginamot na nga kita." mataray kong sabi.

Hindi siya sumagot. Nag-pamewang lang siya at nanahimik. Hanggang sa tuluyan na siyang humarap sa akin.

"Mag-eenroll ako sa school mo." sa tono ng boses niya ay desidido siya sa sinasabi niya.

"Ano? Uto ka ba?" kunot noong sabi ko.

"Hindi pwedeng umaaligid sa'yo yung lalaking 'yon. Pano kung pilitin ka nanaman niya?" irita niyang sabi.

"Kuya ba kita? Kaya ko ang sarili ko." irita ko ding sagot.

He rolled his eyes in annoyance. "Hindi mo alam yung galawan ng mga lalaki ngayon."

Bukod sa hindi ako sanay na binabantayan, hindi rin ako sanay na may kasamang lalaki lagi. Hindi ako komportable na nakikita ako ng ibang tao na may kasamang lalaki. Ayos lang naman kung may iba pa akong kasama bukod sa kaniya. Pero hindi talaga ako sanay kung kaming dalawa lang, lalo na kung hindi naman kami close.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon