CHAPTER 12: Biyahe

878 45 27
                                    

Chapter 12: Biyahe

"Ayos na ba ang gamit mo? Yung pera mo? Yung mga papeles mo dala mo na ba?"

"Ma, ayos na nga. Paulit ulit."

"Aba naninigurado lang!"

Kanina pa kasi ako paulit ulit na tinatanong ni Mama. Pare-parehas lang naman yung itinatanong niya. Ayos na ba yung gamit mo? Yung damit ko? Yung pera? Papeles? Eh ayos na nga lahat.

"Yung mga damit mo? Sakto na ba para sa halos isang linggo yung damit mo? Yung panty mo? Bra mo?"

"Ma! Ayos na nga!" irita kong sagot.

Nakita ko pang mahinang natawa si Ken. Nakakahiya kaya! Pati ba naman underwear ko itatanong! Sa harap pa talaga ni Ken! My golly.

"Aba. Ngayon ka lang pupunta sa ibang lugar nang wala kang kasama. Kailangan mong maging maingat doon. Maraming snatcher, magnanakaw at rapist doon ha. Baka mamaya mabalitaan nalang naming nasa ilog na yung bangkay mo, palutang lutang." sabi pa ulit ni Mama.

I sighed irritated. "Ma! Pinapatay mo naman na agad ako. Hindi pa nga kami nakaka-alis eh!" rwklamo ko ulit.

Napaka-paranoid ni Mama! Naiintindihan ko naman na nag-aalala lang siya, hindi lang niya masabi ng diretso. Pero hindi ko na talaga matanggap yung part na mamamatay at makikita ang bangkay sa ilog! Juskolord.

"Don't worry Tita, ako'ng bahala kay Kat. Kasama naman po niya ako." sabi naman ni Ken.

"Eh yun nga ang iniisip ko. Pag naka-balik ka na sa pamilya mo, paano na si JM?"

Napalitan ng bahagyang lungkot ang inis na nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi ni Mama. Hindi ko naman iyon iniisip nung mga nakaraang araw kasi nalulungkot lang ako.

To think that Ken would come back to his family. After that, both of us would come back to the life that we used to live. Dahil iyon naman talaga ang dapat.

Babalik siya sa pamilya niya, mag-tatrabaho ako para sa pamilya ko.

And I don't know what would happen next. Maybe we would just act like strangers as if nothing happened.

And that is much sadder.

Kahit kaunting panahon, masasabi kong may pinagsamahan din naman kami ni Ken. Mula noong itlog palang siya, hanggang sa naging sisiw na siya, hanggang sa naging tandang–

"HAHAHA. Ano ba naman 'tong iniisip ko." hindi ko na napigilang matawa kasi nakakatawa naman talaga yung mga naiisip ko.

"Sinasabi ko sa'yo JM, wag kang gaganyan ganyan sa Manila. Pag ikaw napag-kamalang baliw, ay nako sinasabi ko talaga sa'yo. Magpaka-mahinhin ka naman kahit kaunti." sabi tuloy ni Mama.

"Opo. May naalala lang." sagot ko habang mahina paring natatawa.

But seriously, I will miss Ken. His deep voice. Irritated tone. And furrowed eyebrows. Hindi pa naman kasi sigurado kung makaka-pasok ako sa kompanya nila kaya hindi ko rin alam kung hanggang kailan kami mag-kakasama at mag-kikita.

He's been a good friend to me.

"Sige na, matulog na kayo. Maaga pa kayong bibiyahe bukas." sambit naman ni Papa.

It's been almost a month since I graduated. At sa bawat araw ay ang pag-punta namin sa Manila ang nasa isip ko.

Sasakay pa muna kami ng jeep mula dito hanggang sa lungsod. Halos isang oras ang biyahe depende sa bilis ng jeep at sa traffic. Pag-dating namin doon ay sasakay naman kami sa bus papunta sa Manila. Around four hours naman ang biyahe.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon