CHAPTER 19: Irritated Or Jealous?

977 40 45
                                    

Double update kasi menpa na ni Ken mamaya. 🤟🏻

Enjoy reading.

Chapter 19: Irritated or Jealous?

Halos isang linggo na ako ditong tumutuloy ay masasabi kong masaya naman dito. Kaya lang tama nga si Ate Jackie, masyadong tahimik.

Hindi ko parin nami-meet ang mga magulang nila kasi masyado daw silang busy. Gusto ko din naman makilala yung mga magulang nila bilang respeto na din.

Naging busy di Ate Jackie this days kaya hindi na kami masyadong nakakapag-daldalan. Maaga siyang umaalis at gabi na siya kung umuwi kaya hindi na niya ako naaabutan na gising. Nami-miss ko na siyang kausap.

Nung isang araw ako nag-simulang mag-turo sa school kung saan ako tinulungang maka-pasok ni Ate Jackie. Pangatlong araw ko na ng pag-tuturo ng mga preschool ngayon.

Madali lang naman mag-turo sa mga preschool. Kailangan lang naman ay mahabang pasensiya dahil mga bata pa sila. Tamang kulay kulay lang, counting, kanta ng nursery rhymes. Mabuti nalang mahaba ang pasensiya ko.

Lagi akong hinahatid at sinusundo ni Ken. Bukod sa natatakot ako bumiyahe mag-isa, siya yung nag-iinsist palagi na ihahatid at susunduin niya ako. Edi syempre papayag nalang ako. Tipid pa! Hehe.

Alas otso ang simula ng klase kaya maaga akong gumigising. Minsan nag-kakasabay kami ni Ate Jackie na kumain pero napapansin kong parang matamlay siya. Baka may problema lang ulit sa kompanya.

Gaya nalang ngayon. Papunta palang ako sa dining pero tanaw ko na si Ate Jackie. Kaya nag-madali akong pumunta doon.

"Good morning Ate!" bati ko sa kaniya bago ako tuluyang maupo.

Sinulyapan niya ako ng ilang segundo tsaka niya ako binigyan ng maliit na ngiti.

"Morning." bati niya pabalik.

Ay, matamlay parin siya?

"May problema ka ba Ate? Napapansin ko kasi lately parang ang tamlay mo. Baka matulungan kita." tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman. Business problems lang." sagot niya.

Tumango nalang ako. "Ahh. Pag dating sa business na 'yan wala akong masyadong alam. Pasensya na ah, hindi kita matutulungan."

"Ayos lang." then she sipped to her coffee.

Pagkatapos niyang humigop ng kape ay tumayo na siya sa silya.

"Excuse me." paalam niya tsaka siya tuluyang nag-lakad papunta sa hagdan. Hindi man lang ata niya inubos yung kape niya. Hay. Kung ano man yung problema niya sa kompanya, sana maayos na agad para makapag-daldalan na ulit kami.

Saktong pag-akyat ni Ate Jackie ay ang pag-baba naman ni Ken sa hagdan. Nag-tinginan pa silang dalawa na parang may hidden meaning sa bawat tingin nila.

Dumiretso nalang din dito si Ken at sinabayan akong kumain.

"Ihahatid ulit kita." aniya.

"Okay." tanging sagot ko.

Gaya dati, tahimik parin kami habang kumakain. Wala namang bago doon. Palagi namang tahimik si Ken
Nahahawa na nga ata ako sa kaniya ng katahimikan.

Halos mag-kasabay lang kaming natapos ni Ken sa pag-kain. Nauna ako at sumunod naman siya.

"I'll wait for you outside." aniya habang umaakyat kami sa hagdan.

"Sige."

"Thirty minutes Kat."

"Oo na! Bilis na nga. Maliligo pa ako."

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon