CHAPTER 6: Suddenly Adopted

948 63 18
                                    

Chapter 6: Suddenly Adopted

Pag-pasok namin sa room ay nag-tinginan na agad ang mga estudyante sa amin, o sa taong katabi ko.

Sinundan niya lang ako hanggang sa makarating na ako sa dati kong upuan.

"Bakit pala nandito ka?" tanong ko sa kaniya nang maka-upo na kami.

"Parehas tayo ng schedule." simpleng sagot niya tsaka siya sumandal sa silya.

Hindi na nag-tagal nang dumating na ang prof namin. Kaya umayos na ang lahat. Terror ang teacher namin ngayon kaya tahimik lang ang lahat.

"Okay, example." nang sabihin iyon ni Ma'am ay kanya kanyang iwas ng tingin ang mga kaklase ko dahil siguradong mag-tatawag nanaman siya ng sasagot sa example niya.

"Ikaw, ngayon lang ata kita nakita dito. Tayo." utos ni Ma'am.

Tinatamad na tumayo ang lalaki sa tabi ko.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Ma'am.

"Ken." tanging sagot niya.

Ken... Ken pala ang pangalan niya.

"Okay, answer this example Ken."

Walang pag-aalinlangan siyang pumunta sa harap at sinagutan ang example ni Ma'am. Muka namang satisfied si Ma'am sa sagot niya kaya nakabalik din agad siya sa tabi ko.

Napa-titig nalang ako sa kaniya dahil ang cool ng galawan niya. Kalmado lang siya at tahimik, pero may maibubuga din pala.

I smiled a bit. Manok ko 'yan.

...

Natapos din agad ang klase ko. Hapon na at uwian na. Hinihintay ko nalang si Ryza na lumabas sa classroom niya.

"Ang tagal naman. Baka cleaners pa siya ngayon. Tara na, mauna na tayong umuwi." reklamo ni Ken.

"Kung hindi ka sanay mag-hintay, mauna ka nang umalis. Lagi kong ginagawa 'to. Bahala ka sa buhay mo." sagot ko sa kaniya.

"Tss."

Tumahimik nalang siya tsaka sumandal sa pader. Lumalabas naman na yung ibang kaklase ni Ryza kaya siguradong palabas na din siya.

Nang makita ko siyang tumayo na sa upuan at isinukbit ang bag niya sa braso niya ay umayos na ako.

"Hindi pala ako masusundo ni Papa. Mag-lalakad lang ulit tayo ngayon." bungad niya nang maka-labas na siya.

"Sige, tara."

Sa totoo lang, mas gusto ko yung nag-lalakad lang kami. Mas marami kasi kaming napag-uusapan habang nag-lalakad. Hindi ko rin maramdaman ang pagod kasi busy kami sa pag-kekwentuhan.

Nag-simula na kaming mag-lakad sa hallway. Naramdaman ko namang sumusunod sa likod namin si Ken kaya hinayaan ko nalang siya. Matanda na siya. Kaya na niya yung sarili niya.

Maraming kwento si Ryza, kaya siguro hindi niya napapansin na may lalaking nakasunod na pala sa amin.

"Tsaka alam mo ba kanina, may nag-away sa room. Alam mo kung bakit nag-away?" tanong niya.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon