Chapter 27: Misfortune
Nagising ako dahil sa alarm na isinet ko. Oras na para ayusin ang sarili para pumasok sa trabaho. Kailangan ko pang mag-paliwanag mamaya kung bakit hindi ako nakapasok kahapon.
Tulog parin si Ryza. Hinayaan ko nalang siyang matulog dahil baka pagod pa siya sa ginawa niyang pag-hahanap ng trabaho kahapon. Nasabi naman niya sakin na may nahanap na siya pero hapon pa ang shift niya at gabi na ang uwi niya.
Nag-handa ako ng makakain ko bago ako naligo. Pagkatapos ay nag-bihis muna ako tsaka kumain. Kasalukuyan akong kumakain nang bumangon si Ryza.
"Oh, ang aga mo." sabi niya tsaka siya nag-hikab.
"Ganon talaga pang-umaga ako eh. Kumain ka na din dito oh." aya ko sa kaniya.
Lumapit nalang din siya sa maliit na lamesa at sabay kaming kumain.
Sa totoo lang, hindi ako naka-tulog ng maayos. Pangatlong araw na simula nung nangyari yun. Tatlong araw na din kaming walang komunikasyon ni Ken.
Simula nung araw na 'yon, hindi ko na siya matawagan, hindi rin siya sumasagot sa mga text ko. Nakapatay lagi yung cellphone niya.
Sobrang nag-aalala na ako. Hindi na ako mapakali. Ayos lang kaya siya? Hay, talagang itinanong ko pa yun? Halata namang hindi.
Bumalik si Ryza sa kama niya at may kinuha siya doon. Pag-balik niya sa lamesa ay may hawak na siyang libro.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Libro malamang." sagot niya.
Alam ko na kung saan ako nag-mana ng kapilosopohan ko.
"Alam ko. I mean, anong libro? Anong title?" tanong ko ulit.
"He Doesn't Share." sagot niya.
Hinablot ko sa kamay niya ang libro. "Patingin."
"Ay jusko naman Katrina, dahan dahan naman!" kabado niyang sabi.
Sinuri ko muna ang book cover. Nakalagay doon ang title na He Doesn't Share.
"Jamille Fumah." basa ko sa author nito. "Sikat 'to?" tanong ko.
"Oo naman! Magaganda yung stories niya. Gusto mo bang basahin?"
"Eh binabasa mo pa eh. Pag natapos mo na tsaka ko nalang babasahin."
"Tapos ko na 'yan. Nire-reread ko lang. Tsaka may dalawa pa naman akong libro dun eh. Sige na, sa'yo muna 'yan."
Ngumiti ako tsaka tumango. "Sige, thank you. Babasahin ko pag may time ako."
"Basta ingatan mo 'yan ah. Wag mong gagasgasan!" paalala niya.
"Oo!" sambit ko.
Hmm. Ano kayang istorya nitong libro na 'to? Sisimulan ko na nga 'to mamaya.
...
Kanina pa nag-uwian ang mga bata pero nandito parin ako sa classroom kasi binabasa ko pa yung libro. Ang saya pala mag-basa!
Kaya lang ang bayolente nung ibang scene dito. Tapos may sapak pa sa utak yung character. Grabe.
Pero kinikilig ako sa kanila!
Tsaka may warning naman eh. Sabi may violence at mature content kaya ayos lang. Kaya ko naman mag-basa ng ganon eh.
May mga bagay akong nalaman na hindi ko pa alam dahil dito. Ganon pala ginagawa ang bagay na 'yon. Hmm.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-babasa, natapos ko na din sa wakas. Mabilis ko lang natapos kasi tuwing may time ako, nag-babasa ako. Katulad nalang habang nasa biyahe ako kanina papunta sa school, habang may ginagawa yung mga bata, nung break time, at ngayong uwian.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...