Chapter 9: Job
Maaga palang ay gumising na ako para bulabugin yung natutulog sa kabilang kwarto. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok. At dahil walang pasok, oras na para baguhin ang sistema ng lalaking 'yon.
Napa-ngiti ako nang pihitin ko ang doorknob, bukas lang kasi. Mabuti naman at hindi siya nag-lock.
Malakas kong isinara ang pinto, sinadya ko 'yon para mag-paramdam na kailangan na niyang gumising. Hindi naman na din maiistorbo si Mama at Papa dahil kanina pa sila gising.
Inangat ko ang kulambo tsaka ko ipinasok ang kalahati ng katawan ko doon. Bahagya kong niyugyog ang tulog mantikang lalaking 'to para gisingin. Naka-dapa siya at naka-balot pa sa kumot. Sarap na sarap pa sa tulog pero mauudlot muna 'yan.
Hangga't nandito pa siya sa amin at hindi pa siya nakaka-balik sa marangya niyang buhay, matuto siyang gumising nang maaga para kumilos.
Sa simula ay dahan dahan lang ang pag-yugyog ko sa kaniya.
"Ken, bangon na." sambit ko habang niyuyugyog parin siya.
"Ken, gising na. Tanghali na." mas nilakasan ko na ngayon ang pag-yugyog sa balikat niya.
Nag-hum lang siya at gumalaw ng konti. Nag-kamot pa siya ng batok pero kalaunan ay bumalik din siya sa dati niyang pwesto.
"Ken!" sigaw ko.
Muli ay nag-hum lang siya tsaka tumihaya. Sinulyapan pa niya ako at inirapan.
"Hoy. Pinapaalala ko lang sa'yo, hindi ka senyorito dito. Baka naman maka-ramdam ka ng kahit kaunting hiya man lang. Ikaw nalang yung naka-hilata. Yung iba mong kasama sa bahay kumikilos na." pagalit ko.
Noon kasi, ganyan na ganyan ang laging sinasabi sa akin ni Mama. Hindi rin kasi ako maagang gumising dati tuwing walang pasok at araw araw, ganyan yung pangaral sa akin. Iba't ibang way lang. Buti nga at hindi na ngayon, naiintindihan naman kasi ni Mama na mas busy na ngayong college.
"Oo na, five minutes." he whispered using his bedroom voice. Itinaas lang niya ang braso niya at ginawa iyong unan.
Hinampas ko sya sa braso. Oo hinampas.
"Wala nang five minutes five minutes! Bangon!"
Nang hindi siya gumalaw ay lumabas ako sa kulambo tsaka ko inalis ang tali ng kulambo dahilan para mahulog iyon sa kaniya. Nilihis ko iyon sa kaniya tsaka ko marahas na hinatak ang kumot niya.
Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala siyang damit pang-itaas. Pero hindi ako mag-papatinag diyan. Unang beses palang na nakilala ko siya wala siyang saplot na kahit ano. Ngayon pa kayang damit lang ang wala?
"Bangon na Ken Suson!" sigaw ko pa ulit.
Isa isa kong kinuha ang mga unan tsaka ko iyon inihagis sa kaniya, partikular sa muka niya.
"Gising na sabi! Isa! Naiinis na ako ha!" sigaw ko muli sa kaniya.
Narinig ko siyang bumuga ng marahas na hangin tsaka siya nag-mulat ng mga mata. Dumako ang tingin niya sakin at tinignan niya ako ng ilang segundo.
"Bangon na. Pupunta pa tayo sa taas." kunot noo kong sabi.
Ipinikit niya muli ang mga mata niya tsaka siya dahan dahang bumangon. Kinusot niya ang mga mata niya at inihilamos niya ang kamay niya sa muka niya tsaka siya ulit nag-mulat.
"Bilis, bangon. Kumain ka na don at maligo ka na din." utos ko sa kaniya.
"Ang aga aga pa kasi." reklamo niya tsaka siya tinatamad na tumayo at akmang lalabas nang harangin ko siya.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
Fiksi PenggemarOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...