Chapter 10: Someone's Grumpy
Kasalukuyan kaming naka-upo ni Ken sa isang bench dito sa gilid ng munisipyo. Hindi pa kasi dumadating si Papa na siyang susundo sa amin. 5:30 na pero wala parin siya. Asan na kaya yun?
Mabuti nalang hindi isinasara ang gate ng munisipyo. Sira na kasi 'yon dahil sa sobrang kalumaan. Kaya open na open lang ang munisipyo sa mga taga dito. Pwedeng pwedeng pasyalan. Lalo na't medyo maganda naman ang paligid dito, pwedeng pwedeng mag-picture.
"Tagal naman." reklamo ng katabi ko.
I sighed. "Baka may inasikaso lang sa bahay o sa trabaho. Ganon talaga. Mag-hintay nalang tayo."
"Kanina pa tayo nag-hihintay dito oh. Gustong gusto ko nang maligo." reklamo niya ulit.
Saktong alas sinco kasi nang isara ang tindahan. Umuwi na din si Tita at si Nay Abel. Mag-kaiba kasi ang daan papunta sa bahay ni Tita at pauwi sa bahay kaya hindi kami naka-sabay ni Ken.
"O baka gusto mong mag-lakad nalang tayo pauwi? Tutal nilalakad lang naman natin papunta sa bahay galing sa school." kung tutuusin, mas malayo pa nga ang school kaysa sa lugar kung nasaan kami ngayon.
"Ayoko. Pagod ako." pag-tanggi niya.
"Yun naman pala eh, edi manahimik ka nalang diyan at mag-hintay." mataray kong sabi.
"Tss."
Sumandal nalang siya tsaka tumingala habang naka-pikit ang mga mata. Sa itsura niya, mukang pagod na pagod talaga siya. Hindi ko naman siya masisisi kasi naninibago lang din siya sa mga ginagawa namin ngayon. Knowing na lumaki siya sa mayamang pamilya, hindi ko din talaga inaasahan na papayag siya sa trabaho keneme na 'to. Medyo naawa tuloy ako sa kaniya.
"Inaantok ka ba?" tanong ko.
He just hummed.
Sandaling natahimik ang paligid. Naka-tingin lang ako sa kaniya habang nag-dadalawang isip kung itutuloy ko ba yung naiisip ko ngayon.
Napansin kong nawawalan na ng balanse ang ulo niya dahil nakaka-tulog na ata siya. Pagod at inaantok na siguro talaga siya.
Sinuportahan ko ng kamay ko ang likod ng ulo niya at hinawakan ko ang kaliwa niyang braso at dahan dahan ko siyang hinatak pa-higa sa binti ko. Nasa kanang bahagi niya kasi ako.
Nag-mulat pa siya pero hindi na siya nag-reklamo nang tuluyan na siyang maka-unan sa binti ko. Mahaba din naman itong bench kaya halos naka-higa na din siya. Halos wala na ding tao sa paligid kaya hindi naman siguro kami awkward tignan.
Umayos siya ng higa tsaka niya muling ipinikit ang mga mata. Ginamit niya ang braso niya para ipang-takip sa mga mata niya dahil sa kaunting liwanag ng langit.
Kinuha ko ang isang bimpo sa tote bag tsaka ko iyon itiniklopng pahaba. Inalis ko ang braso niyang naka-patong sa mga mata niya at ipinatong ko nalang ang bimpo sa mata niya.
Oo hindi kami close. Oo masungit at pilosopo ako. Pero natural nalang talaga sa akin ang pagiging maalaga sa mga taong malapit sa akin. Ganito din ako sa pamilya at kaibigan ko, lalo na kay Ate noong hindi pa siya naka-tira sa ibang bahay.
Bahagya kong hinahaplos ang buhok niya. Ang lambot ng buhok niya na medyo may kahabaan. Halatang alagang alaga ang bawat parte ng katawan niya.
Napa-isip tuloy ako sa buhay niya dati. Hindi ba siya nag-sisisi o naiinis man lang dahil sa ganitong klase ng buhay pa siya napadpad? I mean, kung ako din siguro ang nasanay sa marangyang buhay at bigla nalang mabubuhay sa isang mahirap na bayan, talagang mag-rereklamo din ako.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...