CHAPTER 29: Letter

777 36 42
                                    

Chapter 29: Letter

"Grabe naman sila! Buti nakayanan mo pa yung ginawa sa'yo? Nako hindi ko talaga kayang gawin yung ginawa mo kasi kung ako yung nasa posisyon mo, hinding hindi ko sila luluhuran."

Kasalukuyan kaming kumakain ni Ryza ng tanghalian. Ikinuwento ko sa kaniya yung mga nangyari kahapon.

Bumuga ako ng hangin. "Gagawin ko lahat, para makita ulit siya. Pero siguro hindi parin sapat yung mga ginawa ko kahapon."

"Eh ano pa bang gusto nila? Lumuha ka ng dugo? Mag-lakad ka sa baga? Lumunok ka ng espada?" naiiling niyang sabi.

Hindi nalang ako nakapag-salita. Wala parin akong balita tungkol sa lagay ni Ken. Sana ayos na siya.

"Eh kung mag-pabuntis ka nalang kay Ken?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ryza. Hinampas ko pa siya sa balikat. Kahit kailan, napaka unpredictable talaga nitong mag-isip.

"Gaga. Hindi pwede 'yon. Hindi 'yon magiging sagot sa problema namin." sambit ko.

"Tungak. Pag nag-pabuntis ka kay Ken, wala nang say yung Mama niya kasi dala mo na yung magiging apo niya. Edi hindi na nila kayo pag-hihiwalayin! Easy." aniya sa nangungumbinsing tono.

"Eh hindi nga pwede 'yon Ry. Hindi tayo pabor sa premarital sex 'no." umiling iling ako.

"Sus, ikaw na mabait." panloloko niya.

Dahan dahan kong inikot ang ulo ko dahil sumasakit nanaman yung leeg ko. Pati nga balikat ko sumasakit, ewan ko ba. Sa trabaho siguro. Uminom ako ng tubig dahil medyo naninikip nanaman ang dibdib ko.

"Ry, may gamot ka ba sa sakit ng katawan?" tanong ko.

"Ewan lang, check ko mamaya. Bakit? Masakit katawan mo?"

"Hindi. Hindi masakit. Kaya nga nag-tatanong ako kung meron diba?" pamimilosopo ko.

"Eh malay ko ba kung ibibigay mo lang pala 'yon sa iba!" inirapan pa niya ako.

"Bakit ko naman ibibigay sa iba? Bumili sila ng kanila."

Inirapan niya ako ulit. "Tss. Gusto mo Lola Remedios? Baka lamig lang 'yan."

"Sige, basta gamot sa sakit ng katawan."

Nag-patuloy nalang kami sa pag-kain. Bigla nanamang pumasok sa isip ko si Ken, kumain na kaya siya sa mga oras na 'to? Kamusta na kaya siya? Sana ayos na yung lagay niya.

...

Kanina pa ako naka-higa sa kama para matulog pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Bukod sa marami akong iniisip, masakit din yung katawan ko. Parang hindi man lang tumalab yung gamot na ininom ko kanina.

Tulog na din si Ryza. Tahimik na ang paligid. Pero ako, dilat na dilat parin. Hindi naman ganoon ka-sakit yung katawan ko pero hindi ako komportable.

Meow.

May ilaw na nanggagaling sa labas at dumadaan iyon sa bintana kaya medyo may liwanag dito sa loob. Nang makita kong nag-lalakad si Dessa paunta sa gawi ko ay sinalubong ko siya.

Binuhat ko siya tsaka ko siya itinabi sa akin. Marahan kong hinahaplos ang balahibo niya habang naka-pikit ako.

"Miss ko na talaga si Ken." bulong ko.

Marahas akong bumuga ng hangin tsaka ko pinilit ang sarili ko na matulog. Ilang minuto pa ang lumipas nang sa wakas ay dinalaw na ako ng antok.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon