Chapter 16: Same Vibes
Bumitaw sila sa pagkaka-yakap. Seryoso akong tinignan ng Ate ni Ken. Grabe yung kabang nararamdaman ko ngayon. Para akong mag-peperform sa harap ng maraming tao.
Tumingin ako kay Ken ng ilang segundo para humingi ng tulong. Kulang nalang maihi ako sa sobrang kaba. Bakit naman kasi ganito ang aura ng Ate niya.
Lumapit na din sa akin si ken sa wakas. Medyo naka-hinga ako nang tabihan niya ako.
"This is Katrina." pag-papakilala niya sakin.
"Kat, my older sister, Ate Jackie." pag-papakilala naman niya sa Ate niya.
Sandali pa akong tinignan ng Ate niya, di nag-tagal ay dahan dahan itong lumapit sa akin tsaka nito inilahad ang kamay niya. Nginitian din niya ako.
Ano ba 'yan, sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba.
"Nice to meet you, Katrina." sambit niya sa pangalan ko na parang may pag-babanta. Naka-ngiti siya pero iba yung sinasabi ng mga mata niya.
Nanlamig ang mga kamay ko at medyo nanginginig pa ako. Inabot ko ang kamay niya at nakipag shake hands.
"N-Nice to meet y-you din po." pati ang boses ko ay nanginginig na din.
Siya na din ang unang umalis sa pagkaka-hawak sa kamay ko.
Nahigit ko naman ang hininga ko nang bigla akong akbayanni Ken at hatakin palapit sa kaniya. "Ate, be nice to her." sabi niya.
His sister chuckled. "Don't worry, I don't bite."
"Let's go. Pumasok na muna kayo. Kumain na ba kayo?" tanong ng Ate niya.
"We haven't eaten yet. Mag-bibihis lang ako sandali. Mauna na kayo sa dining." sagot ni Ken.
Gagi talaga 'to! Iiwan niya ako kasama yung Ate niya?! Hindi ba niya naramdaman yung takot at kaba ko?! Gusto ko nalang mag-palamon sa lupa!
"Okay. I haven't eaten yet too. Hihintayin ka nalang namin ni Katrina sa dining room." nilingon niya ako. "Let's go?"
Nanginginig ang buong katawan ko pero pinilit ko paring ngumiti at tumango.
Umakyat na sa ikalawang palapag si Ken at sinundan ko naman ang Ate niya papunta sa hapag-kainan. Hindi ko parin maiwasang mamangha sa laki at ganda ng bahay nila. Sana all.
Lahat ng gamit mukang mamahalin. Nakaka-takot hawakan. Baka maka-sira pa ako.
"Take a sit."
Tumango nalang ulit ako. "Ah, s-salamat po."
Dahan dahan at maingat kong hinatak ang upuan. Maingat din akong naupo. Nakaka-takot talaga. Kahit magasgasan o madumihan man lang yung mga gamit dito, natatakot ako.
"So..."
Napa-balikwas ako ng tingin sa Ate ni Ken tsaka ako umayos ng upo. Naka-upo na din siya ngayon sa pinaka-dulong bahagi ng lamesa. Ayos lang ba yung itsura ko? Hindi ba ako mukang haggard? Wala ba akong dumi sa muka?
"Katrina right?" tanong niya.
Tumango ako tsaka ngumiti. "Tama po." sagot ko.
"So, are you one of my brother's, uhm, flings?"
Agad akong umiling. "Ay hindi po, wala po kaming relasyon. Mag-kaibigan lang po kami." sagot ko.
Tumaas ang isa niyang kilay at parang hindi pa siya makapaniwala sa sagot ko. Hindi ba 'yon kapani-paniwala?
"Is that so? Hmm." bumuga siya ng hangin. "How old are you?"
Hindi naman ako na-inform na interview pala ang gagawin namin.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...