Chapter 37: Ceremony
Pagkatapos ng lahat ng nangyari. Mula noong nag-aaral palang ako, hanggang sa mapunta na ako dito sa Manila. Hindi ko talaga inaasahan na hahantong kami ni Ken sa kasalan.
Halos isang taon na din kaming mag-kakilala. At sa loob ng isnag taon na 'yon, nandoon ang asaran, sungitan, bangayan, at sagutan. Syempre, dahil doon, may nabuong pagmamahalan.
Halos araw araw ko na atang pinasasalamatan ang mga taong nanatili sa tabi ko hanggang ngayon. At ang mga taong naging dahilan kung bakit kami nagka-kilala ni Ken.
Tinititigan ko ang sarili ko habang inaayos ang buhok ko. Naka-suot ako ng robe at hinihintay ko nalang na matapos ang buhok ko.
Tapos na din ang make up ko. Nag-hihintay na ang wedding gown ko para isuot ko na siya.
Kasama ko dito sa loob ng kwarto si Ryza, Ate Kelsey at Ate Jackie. Pati na ang hair and make up artist na ipinadala ni Mommy.
Ang gaganda nilang tatlo. Naka-ayos na sila kanina pa at suot na nila ang kulay gold nilang gown.
Nag-pipicture picture silang tatlo. Pinipicturan din nila ako paminsan minsan.
"Tapos na! Pwede nang isuot ang gown." anunsyo ni Ate Tin na siyang nag-ayos sa muka at buhok ko.
Alas tres ng hapon ang kasal namin ni Ken. Tanghali palang pero nag-aayos na kami kanina pa.
"Kailangan ba naming lumabas?" tanong ni Ate Jackie.
Nakaka-hiya naman kung mag-bibihis ako tapos ang dami nilang naka-tingin 'no.
Tumango ako. "Pero maiiwan si Ryza." siya nalang ang patutulungin ko. Si Ate Kelsey sana eh, kaya lang buntis siya. Ayaw ko namang matagtag yung tiyan niya kakagalaw. Baka mag-reklamo pa yung pamangkin ko.
Isa isa na silang lumabas ng kwarto pwera kay Ryza.
"Ang ganda ng gown mo huhu. Sana ako rin." aniya.
I chuckled. "Mag-pakasal ka na din." sabi ko.
"Hindi pa naman ako inaayang mag-pakasal si fafa Evan. Charot!" humagikgik pa siya habang kinikilig.
Tinulungan niya akong isuot ang gown ko. May kalakihan kasi 'yon. Medyo nag-tagal kami dahil iningatan naming hindi magulo ang make up at buhok ko.
"Done! Ang ganda talaga!" sabi ni Ryza habang naka-tingin sa akin.
Tinignan ko ang sarili ko sa human sized mirror. Flowy ang gown ko at medyo mahaba. Wala din itong strap.
Ang ganda. Napaka-ganda. This is my dream wedding. Hindi ko inaasahan na matutupad iyon.
Hindi ko man naranasang magkaroon ng party noong 18th birthday ko, mararanasan ko naman ang pangarap kong kasal.
...
Inalalayan ako ni Ryza habang pasakay na ako sa kotse na mag-hahatid sa akin sa church. Hirap na hirap akong sumakay dahil sa laki ng gown ko.
Kumakaway ako sa mga taong naiwan sa bahay habang umaandar na ang kotse. Hanggang sa tuluyan na kaming maka-alis.
Bawat segundong lumilipas ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. This is it. This is the day! Magiging Mrs. Suson na ako!
Hindi ko na alam kung ilang beses akong lumulunok sa biyahe. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang matanaw ko na ang church kung saan ako ikakasal.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...