CHAPTER 34: Invitation

819 41 40
                                    

Chapter 34: Invitation

Ken's Point of View

The freaking wedding is on the other day! What the fvck is happening?! Hindi man lang ako na-inform na may date na pala yung kasal na 'yan!

"Ate! What are we going to do?!" bungad ko nang maka-pasok ako sa kwarto niya.

Naka-tutok ang dalawa niyang daliri sa mag-kabila niyang sentido habang hinihilot iyon.

"Ken, I tried to talk to Mom but she declined my offer! I don't know what to do anymore." she said.

This isn't good. Hindi pwedeng matuloy ang kasal! Hindi ako papayag!

"What the hell am I going to do?" sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis.

Kahit na siguro makipag-kita ako ngayon kay Katrina, wala din iyong magagawa. Matutuloy at matutuloy parin ang kasal.

Akala ko ayos na. Akala ko nag-bago na ang isip ni Mama. Akala ko iisipin na niya yung kapakanan ko.

Lumabas na ako sa kwarto ni Ate. At saktong pag-labas ko doon ay nakita ko si Raven na nag-lalakad palapit sa akin.

Nag-lakad nalang ako papunta sa kwarto ko. Hindi pa ako nakaka-pasok nang pigilan niya ako.

"Ken, wala ka nang magagawa. Ikakasal na tayo sa ayaw at sa gusto mo." she said.

Binawi ko ang braso ko sa kaniya. "Fvck off."

I entered my room then slammed the door in front of her. Dumausdos ako pababa sa pinto tsaka ko sinabunutan ang sarili ko. I punched ng floor because of frustration.

I won't fvcking attend that ceremony. Never in my life.

...

Katrina's Point of View

Pagkatapos ng nangyaring angina attack sa akin, kinailangan na ulit nilang buksan ang ECG machine para i-monitor ang heartbeat ko.

Natatakot na ako, baka mas lumala na 'to. Ayaw kong magka-sakit. Hindi ako pwedeng magka-sakit.

Hanggang kailan pa kaya ako mag-istay dito? Nakaka-miss kasi yung normal kong buhay. Nakaka-miss din mag-trabaho lalo na yung mga bata sa school.

Dinalaw ako ni Ryza kahapon. Nalaman kasi niya yung nangyari sa akin. Kaya binigyan niya ako ng mga fictional books para daw iyo nalang ang babasahin ko tuwing nabo-bored ako.

Kasalukuyan akong nag-babasa nang may kumatok sa pinto. Nang buksan iyon ni Mama ay pumasok ang doktor ko.

"Kamusta ka hija?" bungad niya.

"Ayos lang po dok." sagot ko.

Tumango tango siya. May mga chineck pa siya sa machine at sa IV fluid na naka-kabit sa akin bago niya ulit ako tignan.

"Nag-babasa ka naman ngayon?" tanong niya.

"Ah, opo. Pampalipas oras lang po." sagot ko.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon