Chapter 14: Prove
"May iba ka pa bang kakilala dito?" tanong ko sa kaniya.
"Malamang hindi na rin nila ako kilala." walang gana niyang sagot.
Wala kaming nagawa kundi umalis nalang, kaysa naman sa kaladkarin pa kami ng mga guard paalis, mas nakakahiya 'yon. Mabuti nalang may dala kaming payong. Tanghaling tapat pa naman ngayon.
Parehas kaming tahimik habang nag-lalakad. Iniisip namin kung saan kami pupunta, kung saan kami tutuloy, kung ano na ang mangyayari sa amin ngayon. Yung trabaho na pwede kong makuha, nawala na din ng ganon nalang.
Kusa akong huminto ng pag-lalakad nang huminto din si Ken sa pag-lalakad. Humawak siya sa dibdib niya na para bang hinahabol niya ang hininga niya.
"Ken, bakit?" alala kong tanong.
Unti unti siyang napa-luhod sa kalsada. Nabitawan na din niya ang hawak niyang payong. Wala akong magawa kundi hawakan ang mag-kabila niyang braso at tanungin kung ano ba ang nangyayari sa kaniya.
"Ken!"
Napa-pikit nalang siya habang hinahabol ang hininga. Maya maya pa ay nag-liwanag ang katawan niya hanggang sa mawala na ang katawang tao niya at mapalitan iyon ng isang tandang.
Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
"Ken, ano bang nangyayari, bumalik ka na sa human form mo ano ba naman 'yan wag mo nga akong inaartehan gusto mo lang pala maging manok aarte ka pa na parang nasasaktan pag-aalalahin mo pa ako." mabilis at sunod sunod kong sabi. Parang nag-rap na nga ako.
Sa totoo lang ay napaka-bilis na ng tibok ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako, natatakot ako, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
Kinarga ko nalang ang tandang sa braso ko tsaka ko iyon hinaplos. Inilapit ko iyon sa leeg ko tsaka ko ito niyakap habang naka-pikit ang mga mata. Nag-aalala ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa kaniya yun. Basta ang alam ko lang ay natatakot ako na may mangyaring masama sa kaniya.
Ngayon lang akonnaka-ramdam ng ganitong koneksyon sa isang hayop, o tao.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag-laki ng manok na yakap ko. Hanggang sa tuluyan na iyong naging isang bulto ng tao.
"Ken, ano ba'ng nangyari?" alala kong tanong.
Hindi ko na pinansin ang ayos naming dalawa. Alam kong bumalik na siya sa katawang yao niya kahit na naka-pikit parin ako. Hindi ko lang mapigilan na yakapin siya dahil sa pag-aalala na nararamdaman ko.
Sinuklian niya din niya ako ng yakap. Naka-patong pa ang baba niya sa balikat ko kaya rinig na rinig ko ang mabilis at mabigat niyang pag-hinga.
"Don't worry... I'm... Fine..." sambit niya sa pagitan ng bawat pag-hinga niya.
Ramdam ko din ang mabilis na pag-tibok ng puso niya.
"Bakit? Anong nangyari? Bakit ka nagka-ganon? Bakit? Akala ko kung ano na'ng nangyari sa'yo. Nakakainis ka!" bahagya ko pa siyang hinampas sa likod.
Bukod sa natatakot akong maiwan mag-isa dito, natatakot din akong mapahamak siya. Hindi ko mapigilang mag-alala dahil may parte na din siya sa akin.
Mahina siyang natawa. "Ayos lang ako. Ilang beses ko na ding naramdaman 'yon. Hindi ko din alam kung bakit. Pero ang mahalaga ayos na ulit ako. Wag ka nang mag-alala." he said while caressing my hair.
Dahan dahan kaming lumayo sa isa't isa tsaka ko patagong pinunasan ang mga luhang namuo sa mata ko. Buti nalang hindi tumulo.
"Why are you even crying?" may panunukso sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanficOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...