Chapter 23: Mark The Date
Kasalukuyan akong nag-wawalis sa sala nang makarinig ako ng yabag pababa sa hagdan. Napa-tingin ako doon.
"Nag-wawalis ka nanaman." bungad niya.
Tss. Ang aga aga, ang sungit. Parang hindi niya ako binanatan kanina sa note niya.
Siya yung tipo ng manliligaw na idadaan nalang sa sulat yung nararamdaman kasi nahihiya sabihin ng harapan. But I find it cute tho!
Naupo siya sa hagdan tsaka niya ako tinignan. Ganyan ang gawain niya lagi tuwing umaga. Hihintayin niya akong matapos sa ginagawa ko para sabay kaming kumain ng agahan.
Nakikinig ako sa music habang nag-lilinis para hindi naman masyadong boring. Nakikisabay din ako sa pag-kanta tuwing alam ko yung lyrics.
"So what you doing tonight?
Better say, "Doing you right"
Watching movies but
We ain't seeing a thing tonight." kanta ko.I heard him tsked. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin niyang kinakanta mo?"
Ano nga bang ibig sabihin? Hindi ko rin alam eh. Basta maganda yung tunog, pinapakinggan ko.
"Malay ko." sagot ko.
"Tss."
I've been drinking coffee (I've been drinking coffee)
And I've been eating healthy (and I've been eating healthy)
You know I keep it squeaky, yeah (you know I keep it squeaky)
Saving all my energy (yeah, yeah, saving all my energy)Nang malapit nang mag chorus ay tinalikuran ko siya tsaka ako tumayo nang maayos para sayawin ang steps no'n.
"Can you stay up all night?" pag-kanta ko.
Fvck me 'till the daylight
Thirty-four, thirty-five"Tsk. Bilisan mo na nga diyan. Kung ano anong kinakanta mo, hindi mo naman pala alam yung ibig sabihin." tumayo na siya sa hagdan at pumunta na sa kusina.
Ano ba kasing masama dun? Maganda namn yung tunog eh. Wala namang problema. Pwera nalang doon sa isang salita na binanggit ni Ariana, bad word 'yun.
Ilang linggo na din simula nung nag-simulang manligaw si Ken. Ganon parin naman ang ugali niya. Lagi parin niya akong iniinis pero sweet din siya at the same time.
Natutuwa ako kasi hindi niya iniiba yung ugali niya para lang magustuhan ko siya. Hindi siya pakitang tao. Kung ano yung ugali niya, yun ang ipinapakita niya.
Nasabi ko na din kay Mama at Papa ang tungkol doon. Noong una parang hindi pa payag si Papa kasi nasa iisang bahay daw kami tapos nag-liligawan kami. Pero nag-paliwanag naman ako at siniguro ko na wala naman silang dapat ipag-alala.
Matanda na ako at alam ko na ang mga desisyon ko sa buhay. Pero nakikinig parin ako sa payo ng mga magulang ko dahil alam ko naman na gusto lang nila na mapabuti ako.
Kaya sa huli, pumayag din sila. Tsaka kilala naman na nila si Ken. At may tiwala daw sila sa kaniya.
Tungkol naman kay Ate Jackie, pansin ko na medyo umayos na ang mood niya ngayon. Ngumingiti na siya at medyo nakakapag-usap na kami. Pero may time na iniiwasan parin niya ako.
Mas ayos na yun kaysa sa dati. Atleast may improvement.
Lagi akong inaaya ni Ken na pumunta sa kung saan saan at kumain sa kung saan saan. Parte siguro ng panliligaw niya.
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanfictionOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...