CHAPTER 11: Duyan

870 51 15
                                    

Since ang dami nang fillers nito, ifa-fast forward na natin siya para ma-meet na ang main plot.

Enjoy reading!

Chapter 11: Duyan

Studying for almost my whole life isn't easy as it looks like. It is one of the most challenging part of our lives. The truth is, it almost became our life too.

Imagine studying at the age of five years old, as a daycare student. Plus another six years of elementary education. Then four years of junior high school experience and another two for senior years. College was four years in general but it also depends on what course you took.

All in all, seventeen years or more of your life is full of reading, writing, listening, understanding, and studying.

Some people might see it as a burden, but some people see it as their biggest dream.

Not everybody in the world has a chance to study.

So me, you, and everyone of us is lucky enough to finish our seventeenth year of studying.

I am proud of you. I am proud of myself.

Continue chasing your dreams, because it would be worth it.

"Nice speech! Yung last sentence the best!" sambit ko habang pumapalakpak pa.

Nag-susulat kasi ako ng speech keme. Wala lang, trip ko lang. Malapit na kasi yung graduation.

Eh hindi naman ako ng valedictorian.

Bakit ba? Pangarap ko kasing mag-speech sa graduation day. Eh hindi naman ako ang mag-i-speech, pero ayos lang. Nasa honor parin naman ako kahit ako yung last sa ranking. Masaya na ako dun. Malaking achievement na 'yon para sakin.

Si Ken? Anong nangyari kay Ken? Ayon! Na-drop! Hindi na siya gagraduate. Wala naman siyang sinabi tungkol doon. Wala nga din siyang pake eh.

Hindi kasi siya nag-te-take ng exams at hindi rin siya nag-papass ng mga projects at assignments. Palakol tuloy ang grades niya. Well, okay lang naman din yun. Graduated naman na talaga siya at keme keme lang ang pag-pasok niya sa school. Kaya, ayos lang ang lahat!

"Anong gusto mong handa sa graduation mo? Mag-i-spaghetti nalang ba tayo tsaka sopas?" tanong ni Mama nang makapasok siya sa kwarto ko.

"Kayo bahala." tanging sagot ko.

Hindi naman ako demanding. Kung ano yung inihain, edi yun ang kainin. Minsan lang naman ako mag-inarte hehe.

"Spaghetti tsaka sopas nalang ah? Mag-papabili na ako sa Papa mo."

Teka, parang ayaw ko ng spaghetti ngayon.

"Ma, palabok nalang pala." habol ko.

"Hindi ako marunong mag-luto nun."

"Edi umorder nalang."

Tumango nalang si Mama. "Oh sige. Bibili din daw ng kakanin si Papa mo."

Tumango nalang din ako. "Ang aga niyo namang bumili. Sa Friday pa naman yung graduation."

Linggo palang kasi ngayon. Simula bukas mag-papractice nalang kami ng pag-lakad sa graduation. Ang saya naman. Ang swerte nga kasi mag-katabi kami ni Ryza sa upuan. Mag-kasunod kasi yung apelyido namin. Reyes ang apelyido ko at Salazar naman ang apelyido niya.

"Mabuti na yung maaga. Para wala nang poproblemahin sa susunod." iyon ang huling sinabi ni Mama bago siya tuluyang lumabas sa kwarto.

Isininop ko nalang ang papel na pinag-susulatan ko tsaka ako lumabas sa kwarto. Naboboring nanaman ako. Alas kwatro palang ng hapon kaya siguradong medyo malilim na sa labas. Tatambay nga muna ako sa duyan. Gawa iyon sa tela kaya hindi masakit sa katawan.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon