Chapter 21: Confession
Ilang linggo na din ako dito sa bahay na 'to. Teka, bahay pa ba 'to? Mansyon na ata 'to eh. Ah basta.
Sabado ngayon kaya wala akong trabaho. Nakapag-pahinga naman ako nang maayos kagabi. Pero gumising parin ako ng medyo maaga para tumulong na mag-linis dito sa bahay.
Nag-hilamos muna ako ng muka at nag toothbrush. Itatali ko din muna ang buhok ko para hindi ako mainitan.
Lumapit ako sa side table para kuhanin doon ang panali ko sa buhok. Binuksan ko ang nasa pinaka-itaas na cabinet. Pero may kakaiba akong nakita doon.
"Ano 'to?"
May pulang rose doon at may note din na nakalagay. Isang letter lang naman ang nakasulat doon, I. At may maliit na sulat pa sa ibaba, - FJS.
Ano 'to? Si Fernando Poe Junior?
Ay hindi, FPJ 'yon hindi FJS.
Kahit na naweweirdohan ako kung saan nanggaling 'to, napa-ngiti parin ako. Inamoy ko ang mabangong bulaklak tsaka ako humagikgik. Kinikilig ako! Wahhh.
...
Dumaan na ang isang linggo. At bawat araw ay may natatanggap parin akong bulaklak na may naka-lagay na note doon. At bawat araw ay iba't ibang letter ang nakasulat doon. Pero may FJS paring naka-lagay sa ibaba.
Ngayon, letter U na ang naka-lagay.
Syempre itinago ko lahat 'yon. Nakakatuwa kaya! Parang meron akong secret admirer ahihihi.
Inilabas ko lahat ng mga bulaklak sa cabinet ko tsaka ko inilagay sa kama ko. Bale 8 roses ang lahat. Araw araw ko kasing tinitignan lahat ng 'to kung may mabubuo ba silang word. Parang puzzle lang.
IEKLOIUY. Iyon ang mga letters na naipo ko ngayong araw. May susunod pa kaya bukas?
Nung unang araw, letter I ang natanggap ko. Sumunod naman ay L. Tapos I Ulit. Sandali akong napa-isip, hmm.
I LIKE YOU?
Yun lang naman ang mabubuong saita sa mga letrang ito. Pero sino ba si FJS? Imposible namang si Ken eh wala naman siyang F at J sa pangalan. Tho nag-sisimula sa S yung apelyido niyang Suson.
May iba pa ba silang kasama dito na hindi ko nalalaman? Grr, ang creepy naman.
Pero kinikilig ako at the same time! Sino kaya itong FJS na 'to? Hmm.
Isininop ko nalang ulit ang mga 'yon tsaka ako bumaba. Saktong nakasalubong ko naman sa kusina si Ate Jackie. It's time to ask!
"Ate Jackie! Pwede mag-tanong?" tawag ko sa kaniya.
Huminto siya sa pag-lalakad. "Sige. Ano ba 'yon?"
"May kilala ka po bang FJS?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "FJS?" napa-isip din siya sandali. "Bakit mo naman naitanong?"
"Eh kasi Ate may nag-lalagay ng rose na may note sa side table ko araw araw. Tapos doon sa note, may isang letter na nakasulat. Tapos sa baba no'n, may FJS na nakasulat din." paliwanag ko.
Nanahimik siya ulit at nag-isip. Hanggang sa,
"Ahh."
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
Fiksi PenggemarOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...