CHAPTER 7: His Story

940 42 23
                                    

Chapter 7: His Story

Wala namang assignment na ibinigay ngayon. Tinapos ko na din kanina yung mga gawain ko kaya wala na akong gagawin.

Kumatok nalang ako sa kabilang kwarto nang makapag bihis na ako ng pambahay. Nang hindi siya sumagot ay binuksan ko nalang ang pinto. Nadatnan ko siyang naka-upo sa kama habang binubuo ang hawak niyang rubics cube.

Napansin ko naman ang mga gamit niya na naka-kalat lang sa kama. Yung uniform niya, hindi man lang niya ini-hanger.

"Mag-sinop ka naman ho ng gamit mo hano." isinandal ko ang kanang braso ko sa gilid ng pinto.

"Oo mamaya." walang gana niyang sagot.

"Ang tamad mo. Tapos sabi mo kanina mag-hahanap ka pa ng trabaho? Walang tatanggap sa'yo kung ganyan ka."

Huminto siya sa pag-buo ng rubics cube tsaka siya tumingin sa akin.

"Sorry, hindi ako sanay sa ganitong pamumuhay."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Mayaman ka ba? Eh simula't sapul sa itlog ka lang naman ng manok nanggaling." syempre hindi ako papatalo.

Tinaasan din niya ako ng kilay. "Excuse me. Oo, galing ako sa itlog. But it doesn't mean that I was born like this. I am not a chicken. Anak ako ng kilalang tao sa business world." pagmamayabang niya.

"Okay, mister mayaman. Kung ganon, bakit ka napadpad dito sa isang mahirap na bayan bilang isang itlog na napisa at naging tandang?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

Seryoso siyang tumingin sa akin. Kalaunan ay umiling iling nalang siya tsaka ibinalik ang tingin sa rubics cube.

Napaka secretive na tao naman nitong kausap ko. Una sa lahat, pangalan lang niya ang alam ko sa kaniya. Well, pwera sa pagiging mayabang at tamad niya.

"Saan ka ba talaga nanggaling? Ano bang nangyari sa'yo? Anong pakay mo? Bakit dito ka sa amin napadpad?" sunod sunod kong tanong. Hindi na talaga ako makapigil na malaman kung anong sagot sa mga tanong ko.

Huminto siya sa pag-kalikot sa rubics cube pero hindi parin siya lumilingon sa akin.

"Saan ka ba naka-tira noon? Kung mayaman ka, bakit hindi ka ipinapahanap ng mga magulang mo? Tsaka pano ka ba nakapasok sa school? Parang imposible naman ata na pwede pang mag-enroll eh malapit na yung graduation." dagdag na tanong ko pa.

Narinig ko siyang bumuga ng hangin tsaka niya ako tinignan. Bumungad sa akin ang walang gana niyang ekspresyon.

"Fine. I'll tell you." mula sa pagkaka-sandal ay nag-indian sit siya tsaka ako nilingon.

"My real name is Felip Jhon Suson but everyone calls me Ken. My parents owns a company. I have an older sister named Jackie. We live in a big house on Manila. And I graduated from a known university." panimula niya.

"Kung tinatanong mo kung anong nangyari sakin, iisa lang ang sagot ko." he paused for a moment. "I got cursed." he said.

Kumunot ang noo ko. "Cursed? Sumpa?" totoo ba yung mga 'yon?

Bahagya siyang tumango. "That goddess named Hen. She cursed me. She turned me into a chicken." inis niyang sabi.

"Sumpa? Eh hindi ka naman isusumpa kung wala kang ginawa diba? Parang sa mga fairytales lang. Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ko sa kaniya.

Sandali akong napa-isip sa mga sinabi niya. Pumasok din sa isip ko yung kwento ni Ryza. Totoo kaya talaga 'yon? Ang hirap kasing paniwalaan.

"Baka naman kasi nananakit ka ng mga hayop." hula ko.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon