Chapter 4: Saved By The Chicken
Lunes nanaman, may pasok nanaman. Habang patagal nang patagal, patamad ako nang patamad. Kung hindi lang talaga malapit na akong grumaduate, hindi ako mag-sisipag.
Itinuon ko nalang ang pansin ko s amga school works para mawala sa isip ko yung baliw na 'yon kahit ilang minuto lang.
Kasalukuyan akong kumakain mag-isa sa kusina. Maaga kasing umalis si Mama at Papa para pumunta sa taas. Napaka-tahimik tuloy dito sa bahay. Ingay lang ng mga alaga naming hayop ang naririnig ko sa paligid.
Nakaka-miss naman si Ate...
Simula kasi noong mag-pakasal siya, tumira na siya sa sarili nilang bahay ng asawa niya. Wala na tuloy akong kasama dito sa bahay kahit papano.
"Hoy."
I startled when I heard a deep voice. Luminga linga ako sa paligid, only to find out that it was him. Naka-tayo siya sa gilid ko habang naka-tingin sa akin. Buti nalang at may suot na siyang pang-ibaba ngayon. Pero topless parin siya.
"Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka nga." irita kong sabi sa kaniya. Pero this time, kalmado na ang boses ko.
Itinuloy ko nalang ang pag-kain ko kahit wala akong ganang kumain.
"Hindi mo ba ako aayaing kumain?" tanong niya.
"Pakialam ko sa'yo." sagot ko.
Hinatak niya ang silya sa tabi ko tsaka siya doon naupo at tinitigan ako.
"Ang tapang mo talaga 'no? Tiklop ka naman kahapon." sambit niya habang naka-ngisi.
Alam ko kung anong pinupunto niya. Gusto lang niyang ipamuka sakin na naaapektuhan ako sa kaniya. Lalo na noong pumaibabaw siya sa akin.
Hindi nalang ako sumagot. Bukod sa tinatamad akong mag-salita, wala naman din siyang kwentang kausap.
"You're ignoring me now huh? Well, it's an achievement. Atleast hindi mo na ako pinag-tatabuyan at tinatawag ng kung ano ano."
"Baliw ka parin."
Kita ko sa peripheral view ko ang pag-kunot ng noo niya.
"Naiinis na ako sa pag-tawag mo sa akin ng baliw. Hindi nga ako baliw. Ano bang gusto mong proweba para maniwala ka sa sinasabi ko?" sambit niya sa iritadong boses.
"Wala. Umalis ka nalang." walang gana kong sabi habang naka-tingin sa plato ko. Nag-hikab pa ako dahil wala talaga akong gana ngayong araw.
"I bet this would make you feel energized."
Pagkasabi niya no'n ay sumampa siya sa lamesa na ikina-kunot ng noo ko.
"Hoy, gago ka talaga. Umalis ka--"
He gave me a small smirk before a bright light coming from him made me close my eyes. At nang buksan ko ang mga mata ko ay isang tandang na pumuputak sa lamesa ang nadatnan ko.
Napa-tayo ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Ang bilis din ng tibok ng puso ko dahil sa pinag-halong gulat at kaba.
Hindi ko na napansin na tumaob pala ang silyang inuupuan ko dahil sa biglanag pag-tayo ko. Dahil sa pag-atras ko ay nawalan ako ng balanse nang maapakan ang paa ng silya. Bumagsak ang balakang ko sa matigas na sahig.
Nag-ilaw nanaman ang tandang gaya ng kanina, at ngayon ay bumalik na siya sa pagiging baliw na lalaki. Tumatawa siya ngayon habang naka-turo sa akin.
"Lampa!" aniya tsaka siya nagpatuloy sa pag-tawa.
Kulang yata ako sa tulog! O baka nasobrahan ako. Kumain ba ako kagabi? Ano bang inulam ko kahapon? Hindi naman nabagok yung ulo ko diba?
BINABASA MO ANG
Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]
FanficOne fine day, when Kat went to their mini farm to feed the animals, she saw a naked man sitting around with chickens. "Hoy! Sino ka?!" she asked nervously almost wanting to grab something to defend her. The weird man smirked. "Hindi mo ba ako naki...