CHAPTER 13: Removed and Forgotten

972 43 24
                                    

Chapter 13: Removed and Forgotten

I flinched when the bus jumped a bit. I yawned. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong tulog. Tahimik ang buong bus nang magising ako.

Nararamdaman ko parin ang kamay niyang naka-patong sa ulo ko, pero hindi na iyon gumagalaw. Is she asleep?

Hinawakan ko ang kamay niyang naka-patong sa ulo ko tsaka ako umayos ng upo. Naka-sandal ang ulo niya sa bintana at naka-pikit din siya. She's peacefully sleeping right now. And I don't want to disturb her.

Maingat kong inalis ang backpack na nasa binti niya at inilipat ko iyon sa binti ko. Umasog ako papalapit sa kaniya tsaka ko dahan dahang hinawakan ang ulo niya para siya naman ang sumandal sa akin para maka-tulog siya ng medyo komportable.

Nag-mulat siya pero antok parin ang itsura niya. She's even pouting like a kid. Cute.

"I was just going to rest your head on me. Para mas komportable. Baka sumakit yung leeg mo." mahinang sabi ko.

Ipinikit niya ang inaantok niyang mga mata tsaka siya dahan dahang tumango. Siya na din mismo ang sumandal sa
backpack na nasa binti ko.

Isinandal ko ang ulo niya sa dibdib ko tsaka ko marahang hinaplos ang braso niya.

"Nilalamig ka ba?" I asked.

"Hmm. Hindi naman." mahinang sagot niya.

"Sige, matulog ka na."

Ipinag-patuloy ko nalang ang pag-haplos sa braso niya. Ako naman ang gigising ngayon para tignan ang mga pangyayari. Medyo mataas na ang araw, siguro eight o'clock na.

Ang bilis ng oras. Only 2 hours left before we arrive on Manila. Sa wakas, makaka-balik na ako sa dati kong pamumuhay.

...

Katrina's Point of View

Nagising ang diwa ko dahil sa marahang pag-tapik sa akin sa braso. Naririnig ko din ang mga kaluskos ng mga paa ng mga pasahero. At hindi rin umaandar ang bus.

"Nasa bus stop tayo. Gusto mo bang kumain?" tanong ng lalaking katabi ko nang maka-ayos na ako ng upo.

Nag-hikab pa muna ako tsaka kinusot ang mga mata. Wala nang natirang pasahero sa loob ng bus bukod sa aming dalawa.

"Ikaw ba? Ayaw kong kumakain ng kanin tuwing nasa biyahe eh. Baka bigla akong masuka." sambit ko.

Feeling ko kasi tuwing bumabiyahe ako, lagi akong busog at walang space ang tiyan ko para sa pagkain. Nakaka-hiya naman kung susuka ako dito sa bus, sa tanda kong 'to susuka pa ako sa bus?

"Ayaw ko ding kumain. But I have to go to the bathroom." sabi niya.

Tumango nalang ako. "Sige, ako din."

Inayos namin ang sarili namin bago kami tumayo sa upuan namin. Siya ang naunang bumaba sa amin.

"It's quite high, humawak ka sa kamay ko." sambit niya tsaka niya inilahad ang kamay niya sa akin.

Hinawakan ko nalang iyon tsaka ako nag-dahan dahang bumaba. Medyo mataas nga. Kaya pala may maliit na upuang kahoy na tungtungan kanina sa terminal.

"May bayad nga pala pag papasok ka sa CR. Hindi ko alam kung magkano. Limang piso lang siguro 'yon o sampo." saad ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon