CHAPTER 17: Sisters Meet Up

824 42 21
                                    

Chapter 17: Sisters Meet Up

Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong parang may kumukurot sa pisngi ko. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko, madilim pa naman. Ibig sabihin, gabi pa.

Lumingon ako sa kaliwa ko at ganon nalang ang gulat ko nang makita ko ang isang pamilyar na hayop.

"Tarantado, bakit ka nandito? Nang-iistorbo ka pa. Gabi pa Ken. Bumalik ka na nga sa kwarto mo." irita kong sabi. Aba, tinutuka lang naman niya yung pisngi ko!

Tinalikuran ko nalang siya tsaka ako pumikit ulit. Bahala siya sa buhay niya. Antok na antok pa ako.

Naramdaman ko siyang dumaan sa balikat ko dahil sa tulis ng kuko niya. Di nag-tagal ay nasa harap ko nanaman siya. Tumatama pa sa akin yung balahibo niya dahilan para makiliti ang muka ko.

"Ken, ano ba." reklamo ko.

Hinatak ko nalang siya tsaka ko siya niyakap. In fairness, masarap hawakan yung balahibo niya kahit medyo amoy feeds siya.

"Matulog ka na nga. Wag ka nang istorbo."

Pumikit nalang ulit ako at mabilis naman akong dinalaw ng antok.

...

Ken's Point of View

I can't stop smiling while looking at her sleeping face. From now on, I would transform into a chicken every night then sneak in to her room. So that she would hug me 'till she sleep.

I'm back with my human form. At naka-yakap parin siya sa akin habang natutulog. Ngayon ko lang na-realize na may advantages din pala ang sumpang 'to. But I still want it to end.

I slowly brought my hand to her face to touch her cheek. She was so cute. I never thought that I would admire a girl like her. A very plain and simple, lovely girl.

Oo na, aamin na ako. I lost. I already fell in love with my owner.

...

Goddess Hen's Point of View

Oh my G! Nakaka-kilig naman itong dalawang 'to. Sa wakas, umamin na din yung chicKen na 'yan! Konting konti nalang talaga, mawawala na ang sumpa.

Konti nalang Ken. Prove yourself. Ipakita mo na nag-bago ka na talaga at susubukan kong patawarin ka.

Pasalamat ka, kinikilig ako sa inyong dalawa ni Katrina. Kung hindi! Ayy! Lagot ka talaga sa akin.

...

Katrina's Point of View

"Nakausap ko na yung friend ko. Sabi niya pumunta ka nalang daw sa school bukas para sa interview."

Napaka-gandang bungad naman para sa umaga.

"Talaga? Thank you! Salamat Ate." buong ngiting sabi ko.

Nginitian din niya ako. "Don't worry, I got you."

Nag-paalam muna ako para pumunta sa bakuran. Balak ko kasing tawagan si Ate. Tatanungin ko lang siya kung free ba siya ngayong araw.

Pupunta kasi kami ni Ken at Ate Jackie sa mall para bumili ng damit. Malapit lang naman sa Manila sila Ate kaya aayain ko sila na pumunta din sa mall na pupuntahan namin. Para makilala na niya si Ate Jackie at Ken.

Animal Abuse • SB19 Ken [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon