Makulit na bata..pero mabait.. She loves her uncles and even get jealous their girlfriends especially if she dont like them...
Hope you'll enjoy the story... Thanks for the votes... Hehehe...
MjBlue(",)
~=~=~~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~~=~=~=~=~=~=~=~~=~=~~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~~=~=~~=~=~=~=~=~~=~~=~=~~=~~=~=~=~=~=~=~=~~+~=~+~~+~~+~=~+~=~=~+~=~=~=~+~=~+~=~+~+~
BETHROTED
Nagising si AShley sa malakas na katok ng kanyang kuya sa pintuan.
"ASHLEY!!! Gumising ka na diyan!!!" Sigaw nito.
" Bakit ba kuya?" Naiirita niyang tanong.
Late na siyang natulog kagabi dahil nagbonding pa sila ng mga dati niyang kabarkada noong college. Matagal din silang hindi nagkita ng mga ito simula nang mag-abroad siya. Mabigat ang mga paang tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang kapatid.
" Ano ba ang aga aga eh!" Reklamo niya.
"Ano ka ba? May bsita ka! nandiyan si Rusthy sa baba!!!" Sabinito.
" Ha? Bakit di mo sinabi agad?!" Taranta niyang sabi sa kapatid. Agad siyang tumakbo sa banyo upang maligo, nakakhiyang humarap kay Rusthy na kagigising lang niya.
" Pakisabi kuya saglit lang!!!" Sigaw niya dito.
IIling-iling na bumaba ang kanyang kapatid at tinungo ang naghihintay na si Rusthy."Sir.. Saglit lang po daw.. Kagigising lang kasi, hayun naliligo pa po... Ano pong maiaalay ko sa inyo? Kape? Softdrinks? Pasensya na po wala po akong maiaalay na mamahaling inumin... may pagkain pong dalang galing Taiwan si Ashley tikman niyo nalang po.." Sabi nito.
"Wag na po.. Maraming salamat nalang po... Yayain ko lang naman si Ashley na kumain kami ng lunch sa labas." Aniya.
" Ah ganun po ba.. O sige po, hintayin niyo nalang po si Ashley dito.. Pasensya na sa bahay namin medyo mainit.. Wala po kasi kaming aircon." Wika nito.
" Okay lang yun Albert ano ka ba?" Sabi naman ni Rusthy.Halos isang oras na naghintay si Rusthy kay Ashley na nag-aayos. Di naglao'y bumaba na rin ang babae. Isang simpleng shorts at tinernuhan ng medyo mahabang fit na blouse ang suot ni Ashley na nagpapakurba ng kanyang katawan.
"Rusthy.. Pasensya ka na ha.. Natagalan ako sa shower ang init kasi parang sarap magbabad sa tubig." Wika nito.
"Okay lang... " Sagot niya dito. Sabay abot niya ng bulaklak dito at halik sa pisngi.
"Thanks.. Ang sweet mo naman..." Sabi ng babae. Umalis ito saglit upang ilagay sa vase ang dala niyang bulaklak.
" Tara..." Yaya ni Rusthy sa kanay.
" San tayo?" Tanong ni Ashley.
" Lunch out?" Sagot nito.
"Hmmm.. Gusto ko yan.. Tara..." Aniya.
Agad silang nagpaalam sa kapatid nito at umalis na sila upang kumain sa labas." Kelan ka lang dumating?" Tanong ni AShley sa kanya, habang nagdadrive ito. Isang linggo na rin kasi ang nakaraan nang umuwi na siya galing Baguio. Lagi naman silang nagtatawagan at nagtetext ni Rusthy, pero hindi ito nagsabi sa kanya na dadating ito nung araw na yun di sana hindi siya nakipagkita sa mga kaibigan niya nung nakaraang gabi. Puyat kasi siya ngayon.
"Kagabi lag ako dumating. Nagcommute lang kasi ako kasi ayokong magdrive from Baguio hanggang dito. " Sabi nito. Gamit nito ngayon ang kotse nila sa resort.
" Bakit di mo sinabi sa akin?" Tanong niya.
" Late na akong dumating.. Past midnight na, ayokong isturbohin ang tulog ng mahal ko..." Wika niya.
" Uyyyy.. may ganun?" Kinikilig na tanong niya. She lean her head sa braso ni Rusthy, hinalikan naman ni Rusthy ang kanyang ulo.
" Bango ng buhok ng mahal ko..." Aniya.
" Shampoo lang yan mahal..." Sagot niya.Pinikit niya ang kanyang mga mata. Hinayaan naman siya ni Rusthy na makatulog sa braso nito habang nagdadrive. Talagang di niya mapigilan ang antok niya. Nag-inuman pa din naman sila kagabi. Nagising nalang siya sa marahang paghalik ni Rusthy sa kanyang noo.
" Mahal ko... Gising na were here.." Wika nito.
" Uhmm... Hala mahal ko nakatulog ako.. Sorry..." Sabi niya.
" It's okay... Sarap mo nga panooring natutulog sa braso ko eh..." Aniya.
Lumabas ang lalake sa kotse at pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse. Inalalayan siya nito habang papalabas siya. Pagkuway nagpasalamat siya dito kasabay ang mabilis na halik sa labi nito.
Hawak kamay silang pumasok sa isang native na kainan. Akala niya ay doon sila sa may maraming mesa subalit derederetso ang hila sa kanya ni Rusthy hanggang sa makalabas na sila sa kabilang side ng restaurant. Nasa sea side pala ito at may nakalaang table na pandalawahan. Sa gilid ay nakahanda ang pagkain na iseserve sa kung sino man ang nag-uukupa sa table na yun. Iginiya siya ni Rusthy papunta sa table na yun at hinila ang isang upuan at pinaupo siya doon. Maya-maya'y lumabas ang isang waiter na may bitbit pang ibang putahe pagkatapos itong ilapag sa table sa gilid ay lumapit na ito sa kanila.
" Sir... iseserve ko na po ba?" Tanong nito.
" Yes please..." Sagot naman ni Rusthy.
" Grabe ka ha.. Talagang VIP ang service?" Sabi ni Ashley.
" Syempre.. espesyal ang kasama ko kaya VIP ang treatment sa akin dito." Sagot naman ni Rusthy.
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...