I don't like her

162 5 0
                                    

CHAPTER 8

"BAKIT MO NAGAWA YON?" Galit na tanong ni Rusthy sa bata.

" Rusthy wag mong sigawan ang anak ko!" Saway ni Marion.

Umiyak si Camille dahil sa ginawa ni Rusthy. Walang nagawa ang lalake, tumakbo nalang siya upang habulin si Ashley.

Agad na niyakap ni Majaya si Camille dahil malakas ang iyak nito.

"Shhh... Baby... Stop crying... Nabigla lang si tito... Please stop crying..." Wika ni Majaya.

Huminto naman sa pag-iyak ang bata. Lumapit si Marion at hinalik-halikan ang bata para mawala ang naramdaman nito. Pagkatapos ay kinausap nila ito.

"Baby... Bakit mo naman ginawa yun?" Nag-aalalang tanong ni Marion.

" Because I don't like the girl..." Aniya.

"But baby... Don't you know bad yun?" Wika ni Majaya.

" I know.. But I have to do it.." 

Nagtinginan si Majaya at Marion. Kinarga ni Marion ang bata at pumasok na sila sa loob. Si Majaya naman ay naiwan doon sa buffet table upang asikasuhin ang mga kumukuha ng pagkain.

"Pasensya na po kayo't inabot ng sumpong ang aming prinsesa..." Paumanhin ni Aries sa mga tao na ngayo'y nasa tabi na ni Majaya.

"I can't believe nagawa ni Camille yun.. Nagulat ako.." Wika ni Majaya.

" Ako nga din eh.. At that age naisip niyang gawin yun? She had done worst to Rusthy than me. Ganun din siya dati noong nagkagirlfriend ako. Ayaw niya sa girl, nagseselos. Kapag dinala ko dito ang girl sinusupladahan niya. Saya niya nung nalaman niyang break na kami ng girlfriend ko...." Kwento ni Aries.

" Selosa nga ang batang yan..." Sagot naman ni Majaya.

" Kaya nga.. Pero kung ikaw siguro magiging girlfriend ni Rusthy o Ako siguradong walang problema sa kanya yun.." Wika ni Aries. " Pero mas maganda kung ako.." Aniya.

Napatingin si Majaya kay Aries. "WHAT?!" 

"hEHEhe.. Just kidding baka makalusot.." Wika nito.

Napansin ni Majaya na nakatingin sa kanila si Cristy...  "Sir Aries.. Ayan si Cristy oh.. yan mukhang patay na patay sayo.. siya nalang ang pagdeskitahan mo ha.. Busy po ako eh..." Sabi ni Majaya. Sabay talikod at asikaso sa mga taong kakain.

Napakamot ng ulo si Aries... Sinupladahan nanaman siya ni MAjaya. Pero di pa rin siya nawawalan ng pagasa.. Balang araw mahuhulog din ang loob ng babae sa kanya. At mamahalin niya rin ito nang totoo... Sa kanya lang siya nakadama ng ganito. Aminado na siyang nahuhulog na siya dito. Pinanood na lamang niya itong inasikaso ang mga taong kumukuha ng pagkain.

***********************

Hiyang-hiya si Ashley. HIndi niya akalaing may anak na si Rusthy at si Majaya ang ina nito. 

Bakit h indi sinabi sa kanya ng lalake na may anak siya? Bakit kailangan pang umabot sa ipahiya siya ng anak nito. Lahat nang nandoon ay pinagtitinginan sila. Tumatakbo siya pero di niya alam kung saan siya papunta.

" Ashley.. Sandali lang.. Let me explain... Please makinig ka sa akin..." Tawag ni Rusthy sa kanya.

" No... nakakahiya Rusthy.. nakakahiya sa mga tao... May anak ka na..." Sagot naman ni Ashley. Umiiyak siya. 

" Hindi ko anak si Camille... Please Ashley stop running.." Wika nito.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon