Enjoy reading po... God bless sa ating lahat... Please don't forget to vote.. Thanks..
MjBlue(",)
*************************************************************************************************************************************************************
SInamahan ni Rusthy si Ashley na kuhanin ang kanyang wedding gown sa kanilang pinagawan nito. Pagdating nila sa place ay nakasuot pa sa manikin ang gown ni Ashley.
"Wow!!! Ang Ganda!!" Bulalas ni Ashley.
Isa itong sleeveless at V-neck ang style. Sa may braso ay sadyang nakalaso ito dahil di tali ang strap ng gown, sa Likod naman ay open hanggang sa beywang at maraming diamong glass ang nakadesenyo dito. maikli ang sa harapan at napakahaba naman ang sa likuran kasabay nito ang belo na napakahaba rin.
" Nagustuhan mo ba mahal?' Tanong ni Rusthy.
" OO mahal sobra..." Sabinito sa kanya. Umikot-ikot si Ashley sa gown at sinuyod ang bawat bahagi nito. Sobrang nagandahan siya nito.Nasa isip niya ang isukat ito pagkauwi niya ng bahay dahil excited na siyang makita ang sarili na suot ito. Bumalik siya kay Rusthy at niyakap at hinalik-halikan ang pisngi nito...
" I love you so much mahal ko.. Salamat sa magandang gown na to...Sobrang nagustuhan ko talaga." Aniya.
Natuwa naman si Rusthy at nagustuhan ni Ashley ang gown.. Siya mismo ang nagpili nun at sinukatan na lamang si Ashley ng mananahi. Wala siyang ideya sa kung ano ang disenyo ng kanyang gown,
"Syempre maganda yan.. Para yan sa Ashley ko eh.." Aniya.
Natahimik si Ashley... " Para sa Ashley niya..." Sabi niya sa sarili. Nakaramdam nanaman siya guilt.. " Nasaan kaya si Ashley?" Tanong niya sa isip niya. Malas lamang ng babaeng yun at hindi na sila nagkita pa ni Rusthy, naunahan na niya.
Pag-uwi ng bahay at excited na binuksan ni Ashley ang box kung saan nakalagay ang gown.
" Ang ganda talaga..." Agad niya itong sinuot at naglagay ng konting make-up at humarap sa malaking salamin.
" Ang ganda-ganda ko talaga... bagay na bagay sa akin ang gown.. Napakaganhda..." Hanga niya sa sarili.
"Por Diyos! Ashley bakit mo sinukat yan?" Gulat na wika ng asawa ng kanyang kuya.
" Bakit.. maganda naman diba?" Tanong niya.
" Bawal isukat ang wedding gown ano ka ba? Baka hindi matuloy ang kasal mo..." Sabi nito.
" Ano ka ba ate Linda? Giginhawa rin ang buhay natin... Wag kang mag-alala.." Aniya.
**********************************
NIyaya ni Aries si Majaya na magpicnic. Linggo iyon at walang pasok, pagkatapos magsimba ay deretso na sila sa lugar kung saan silang dalawa magpicnic. Medyo malayo ang binyahe niya at paakyat pa ito ng bundok. Subalit hindi naman siya nagtanong sa lalake dahil naniniwala naman siya nito. Huminto sila isang park. Maganda ito at malawak subali kapansin-pansin ang katahimikan nito. Wala man lang mga taong namamasyal dito gayung linggo naman.
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...