happy reading po sa lahat...
please dont forget to vote..thank you..
MjBlue (",)
**************************************************
May tinawagan si Sonia na kakilala niyang Secret agent. Inutusan niya itong alamin ang tungkol sa pamilya ni AShley. Kailngan mayroon siyang matibay na ebidensya na isa itong fake na AShley. Paara meron siyang panakot dito upang tigilan na nito ang pagkukunwari.
" Gagawin ko po lahat mam upang makakuha ng impormasyon tungkol sa babaeng to mam.." Wika ng lalake.
" Pagbutihan mo... Kalkalin kung anong baho meron ang babaeng yan..." Utos ni Sonia.
" Makakaasa po kayo mam..." Sagot nito.
" O heto ang paunang bayad mo.. Dadagdagan ko pa yan kapag may maganda kang balita para sa akin... Gawin mo na yan agad-agad.. I want fast result about this.." Okay mam.. I will..." Sabi nito.
Kailangan niyang malaman ang tungkol sa babaeng ito. Hindi siya makakapayag na may isang sampid ang haharang sa kanyang mga plano. Kailangang si Cristy ang mapapangasawa ni Rusthy. Matagal na nilang plano ito at kailangang matuloy ito. Naalala niya ang usapan nila ng kanyang asawa tungkol sa kayamanan ng mga Broce.
" 1/3 yan lang ang makukuha mo sa kayaman ng inyog pamilya? That's not fair!!!" Sabi niya.
"Sonia ano kaba? Mula pa sa angkan namin ganyan na ang hatian ng kayamanan.. Magbabase ang share mo sa kung ilang anak meron ka... Isa lang ang anak ko at dalawa ang kay Lucas kaya 2/3 ang sa kanya. Okay na ako niyan, iisa lang naman ang anak ko at meron pa naman akong ibang negosyo..." Sabi nito.
" Pero hindi pwede yan.. paano ako? Paano tayo?" Tanong niya.
" Ano ka ba Sonia? Kasya na sa atin ang negosyo ko hanggang sa pagtanda natin..." Sabinito.
" HIndi! Hindi maari! Paano nalang ang pangangailangan ko?!?" Sabi niya. Bigla siyang may naisip na paraan.
Binalikan niya ang kanyang dating asawa na may asawa na rin. Kailangan niya itong iblackmail para pumayag sa gusto niya.
" Ano ka ba Sonia, bakit kailangang gamitin mo ang anak natin para sa kasakiman mo?" Galit na tanong nito.
" Ano ka Robert para din to sa kinabukasan ng anak natin.." Aniya.
"Kelan ka pa nagkaroon ng pag-aalala sa anak natin ha Sonia?" Tanong nito.
"Itong tandaan mo Robert, kaya kami nagkalayo ng anak mo dahil nambababae ka!!" Aniya.
"Ito rin ang tandaan mo Sonia... Wala kang oras para sa amin ng anak mo, mas may oras ka pa sa mga kaartehan mo!!" Wika nito.
"Mamili ka Robert... Ang malaman ng asawa mo at ng company mo ang tungkol sa pagnanakaw mo sa kompanya niyo o papayag kang gagamitin ko si Cristy?" Wika niya dito.
" Talagang napakasakim mo Sonia... HIndi ba't dahil na rin sayo kung bakit ako nagnakaw noon?" Aniya.
"Subalit isa kang bobo!! Ano? gusto mong makulong?" Tanong niya.
Tumahimik ang lalake, maya-maya'y nagsalita ito...
" Siguraduhin mo lang na mapapabuti ang kinabukasan ng ating anak niyan Sonia, dahil kung hindi... De bale nang makulong... Pagbabayarin kita." Wika nito.
Napangiti si Sonia nang marinig ang sinabi ng dating asawa.
" Wag kang mag-alala Robert... Cristy will be in good hands." Aniya.
Kinutsaba niya si Robert na makipagsosyo sa mga Broce and guess luck was on her side at umayon lahat sa mga plano niya. Naipakilala si Cristy kay Rusthy sa murang edad nito ay itinatak niya sa utak ng bata na balang araw si Rusthy ang magiging asawa niya. Kinailangan magiging close si Cristy sa pamilya ng mga Broce lalo na kay Rusthy upang magkagusto ito sa kanya at maging asawa siya nito.
Lingid sa kaalaman ng mga Broce.. Si Cristy ay anak niya kay Robert. Si Robert ang dati niyang asawa na iniwan niya dahil papalugi na ang negosyo nito, at hindi na nito kakayanin pang tustusan ang kanyang mga luho. Nakita niya si Lucas at nabighani ito sa kanya.At hindi na niya ito pinalagpas pa. Hindi alam ng mga Broce na dati niyang asawa si Robert.
Mula noon ay lagi na niyang dinadala si Cristy sa kanila, kunwari ay giliw na giliw siya sa bata at ang alam ng mga ito ay anak lang ng kaibigan nila na kasosyo sa negosyo.
Ang hindi alam ng lahat ay pilit niyang inilalapit si Cristy kay Rusthy...
Kailangang sumunod sa kanya si Ashley na fake sa gusto niyang gawin nito. At gagawin niya ang lahat upang hindi magkatuluyan ang AShley na yun at si Rusthy, Not even the real Ashley.
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomansaA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...