New home, new work

236 7 0
                                    

Helllooooo!!!! Sana po nagustuhan niyo ang first chapter nito... Dont forget po ur comments votes and likes.. Pashare nlng din po.. Thank u... Ciao!!!

#mjblue

#################

*************8

Makulimlim na nang makarating ang bus sa Baguio, mabuti na lamang at may dalang jacket si Majaya. Hindi niya alam kung bakit pero nahila niya iyon sa closet niya. Napagdesisyunan niya kasing kahit anong bus ay sasakay siya at kung saan man siya mapadpad doon niya hahanapin ang lalakeng magmamahal sa kanya ng tapat. Naghanap muna si Majaya ng Atm machine upang makapagwithdraw ng pang allowance niya. Subalit maling ATM ang kanyang nadala... ATM niya sa states magkasingkulay lang kasi ng ATM niya dito sa Pinas. Naibigay pa naman niya ang pera niya sa bata kanina, yun nalang ang natitira niyang cash. Meron sa bulsa niya barya lang. May credit card siya sa wallet pero ayaw niyang gamitin iyon dahil ang bill ay deretso sa office ng kanyang ama. malalaman nitong ginamit niya ito.

"SHIT!! Saan ako matutulog ngayon?" Aniya sa sarili.

Tamang tinapay lamang at mineral water ang nabili ni Majaya sa barya na natira sa kanyang bulsa. Wala sa sariling umupo nalang siya sa bench at nag-isip kung paano siya matutulog ngayong gabing ito. Wala na siyang ibang pera. Naalala niya yung time na wala siyang pera sa US.. Nakaupo siya sa bench habang nag-iisp kung saan maghahanap ng trabaho para magkapera. Nilabas niya ang mumutahing cellphone at nagmessage sa kanyang ama.

"papa... I'm fine.. Don't worry about me.. Sabay pindot ng send.

Nilibot niya ang paningin sa paligid, may mga tindahan pa namang bukas, malamang ay di nagsasara ang mga yun. Malamig din yun. " Kaya ko to.. Kung kinaya ko doon mas kakayanin ko dito.. Sisiw.." Wika ni Majaya sa sarili. hanggang sa nakatulog siya sa bench.

**********************************************************************

Maagang umalis Si Rose at si Mang Tasyo papuntang bayan upang bumili ng inutos sa kanila. Antok-antok pa siya habang nasa unahang upuan siya ng kotse. Bigla siyang namulat nang may namataan siyang pamilyar na babaeng natutulog sa bench.

" Mang TAsyo.. Hinto!" Sabi niya sa Driver.

Hininto ng mama ang kotse. " Bakit Rose anong problema?" Tanong nito.

Bumaba ng kotse si Rose at binalikan ang babaeng natutulog sa isang bench ng park na nadaanan nila. At tama nga siya.. Ito yong babaeng nakatabi niya sa bus. Nagtataka si Rose bakit sa bench ito natutulog. Marahan niyang tinapik ito.

"Neng.. Neng..." Sambit niya.

Marahan namang dumilat ito. Napabalikwas ito nang makita siya nito. " Bakit po?" Tanong nito.

" Bakit dito ka natutulog? Wala ka bang uuwian dito sa Baguio?" Tanong nito.

Biglang nag-isip si Majaya.. Anong sasabihin niya. Wala siyang pera.. Isang taon ang binigay sa kanya ng kanyang ama... Anong gagawin niyang kasinungalingan ngayon? " Ah.. Kasi po... Ah...  Wala po akong mauuwian eh.." Sabi niya dito.. "YUN" Sa sarili niya.

"Ha bakit saan ka ba galing?" Tanong nito.

" Sa ibang probinsya po.. sa.. sa.. Ilocos pa po... Nagbabaka sakali lang po akong makahanap ng trabaho dito.." Pagsisinungaling niya.

"May pera ka ba/ Bakit dito ka natulog?" Tanong nito.

" Kasi po.. Nawala po yung ATM ko na may laman ng huling sahod ko sa huling trabaho ko..." Malungkot niyang wika. " Tapos barya nalang ang nasa bulsa ko kaya di ako makarenta ng kahit isang kwarto man lang.." Sabi niya.

"Teka.. Kumain ka na ba?" Tanong nito.

" kagabi.. Tinapay at tubig lang.."

"Halika.. Sumama ka sa akin..." sabi nito. Kinuha nito ang kanyang knapsack at takang sumunod lang siya dito. Gulat siya nang huminto sila sa isang magandang kotse at ipinagbukas pa siya nito.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon