First day of work... Supossedly

174 5 0
                                    

Hellloooo po sa lahat ng readers.. Have a nice day po sa inyong lahat.. thanks... Check ko muna yung votes and comments ng story na to bago po ako magpatuloy ng mga next chapters pa.. Meanwhile heto po ang kasunod na chapter... next will be... depende po kung ilang votes na ako meron... Thanks..

************************************************MJBLUE (",)-------------------------------------

Maagang nagising si Majaya, dahil siguro excited na siyang magtrabaho. Naligo agad siya at bumaba upang tumulong sa paghahanda ng almusal. Kumain na rin siya sa kusina pagkatapos at bumalik na sa siid upang mag-ayos.

Pagkatapos niyang magbihis at lahat ay pumasok si Rose sa silid nila.

" Wow! Ready na ang office girl.. Ganda mo neng.. Bagay sayo ang suot mo.. para kang mayaman.." wika nito.

" Ikaw talaga ate Rose OA.." Sabi niya.

" Anong OA ka diyan.. Bagay nga sayo... Tara na.. Naghihintay na si Sir Rusthy sayo.." Sabi nito.

" Ha? Si-Si Rusthy ang kasabay ko?" Gulat niyang tanong.

Syempre naman! Alangan namang mag commute ka pa eh may libre naman. Sasabay na kami idadaan niyo kami sa school ni Camille.

Nahihiya man ay sumunod na si Majaya kay Rose palabas ng silid. Paglabas nila ay nandoon na sa may labas ng kotse si Rusthy nakasandal ito sa kotse niya. Bahagya lang itong tumitig sa suot niya at naglakad na papunta sa kabilang side ng kotse para sa driver's seat. nagbukas ang pintuan ng kotse at nandoon na pala si Camille.

" Tita Jaya.. Good Morning.. You're so Beautiful today..." Sabi nIto.

" Good morning baby.. Thank you.." Sagot niya.

"Well.. Well.. Well.. papasok na sa opisina ang katulong..." Biglang sabi ni Sonia na kararating lang galing sa loob din ito ng bahay.

"Wag mo nalang siyang pansinin.." Sabi sa kanya ni Rose.

Binuksan nila ang pintuan ng kotse nang...

" Teka lang.. " Lumapit si Sonia kay Majaya. " Damit ko to ah... Sabi ko na nga ba't makati yang kamay mo eh!!! Damit ko to.. hubarin mo yan!!!" Galit na wika nito kay Majaya.

" Hindi po sayo to..." Sagot ni Majaya.

" Hindi!! Akin ang damit na yan..." HInila niya ang buhok ni Majaya at kinaladkad palayo sa kotse.

" Teka lang po.." Sbai ni Majaya.

"Hindi ako papayag ma aalis kang suot ang damit ko! Hubarin mo yan ngayon din!!" Utos nito.

" Pero po..."

"Ayaw mo ha.." Bigla nitong hinila nang malakas ang bandang dibdib ng damit at napunit ito. Agad napatakip si Majaya sa kanyang dibdib dahil malaki ang napunit doon. Nakasalampak sa sahig si Majaya habang nakatakip ang dalawang makay sa dibdib.

Agad na lumabas ng kotse si Rusthy dahil hinila nito ang buhok ni Majaya at pinunit nanaman nito ang damit sa baba naman... Gutay gutay na ang damit na suot ni Majaya.

" Tama na po.. tama na pO..huhuhu.." Pagmamakaawa ni Majaya.

Nahawakan ni Rusthy si Sonia, nagpupumiglas ito at gusto pang sugurin si Majaya.

"Tama na Tita Sonia! Tama na!!" Sabi ni Rusthy.

Lumabas ng kotse si Camille at niyakap si Majaya.

"Tita Jaya... " Umiiyak din ito. HInarap nito si Sonia.

" You are such a bad wicked old lady!!!" Sigaw ni Camille kay Sonia.

" Umalis ka diyan bata ka kung ayaw mong matamaan sa akin." Sabi nito.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon