Ideal Wife

136 4 0
                                    

Hello po... Pasensya na po sa late update.. Masyadong naging busy po this past few months.. I'm here na po sa Pinas just arrived last Thursday.. I guess i can focus on my updates na.. wala naman akong gagawin aside from processing my Visa again pabalik ng Taiwan But medyo matagal pa yunn


So here's my update of this story.. Hope you like it and please don't forget to vote... Thank you...



MjBlue(",)


***************************************************************************************************************************************************



Nandoon ang lahat for the dinner. HIndi sumabay si Majaya sa kanila dahil tumulong ito sa pagsisilbi sa kanila. As usual pinuri nanaman ng senyor at senyora ang luto ni Majaya dahil sadyang masarap ang pagkaluto nito.


Si Aries naman ay panay parinig kay Majaya habang si Ashley ay tahimik lamang na kumakain. Kataka-takang walang pangit na kumento si Sonia sa luto ni Majaya at tahimik lang din itong kumakain.


Busy siya sa pag-iisip tungkol kay Ashley at wala siyang panahon upang pagtuunan ng pangsin ang luto ni Majaya.


" Tita Jaya is ideal to be a wife..." Biglang sabi ni Camille. Napatingin ang lahat sa bata.

" Wow baby... Where did get you that?" Tanong ni Marion.

"I Just remember Tito Rusthy said before she likes a girl na magaling magluto.. So I bet she likes tita Jaya too... Am i right tito?' Wika ni Camille sabay tingin kay Rusthy.

Natigilan si Rusthy sa sinabi ng bata. Naalala niyang sabi niya pala dito dati na ideal girl niya yung marunong magluto. Pambihirang bata si Camille, ang taas ng memorya.


" Hindi ko yun naforget tito... How about you Tita Ashley, are you a good cook? As good as tita Jaya?" Tanong nito.

" Ah... Camille..."

"Camille... It's not good to talk like that to older people.. You eat your food..." Saway ni Marion sa anak.

" Yes mommy... I'm sorry..." Sagot ng bata.

" Pasensya ka na Ashley..." Wika ni Marion kay Ashley.

Ngiti lang ang sinagot ni Ashley sa kanya. Pero sa kaloob-looban niya ay nag-ngingitngit siya sa sinabi ng bata. Makikita ng Majaya na yan, hindi niya maakit si Rusthy sa mga luto-luto niya dahil siya ang pakakasalan ni Rusthy at walang magagawa ang batang paslit na si Camille.


*********************************************


Pumasok sa kusina si Majaya dahil nahihiya siya sa nangyari sa hapag-kainan kanina. Dagli namang sumunod ang dalawa. Si Ellen at Lanie.


Tawa ito nang tawa sa mukha ni Ashley. Para daw itong nakakain ng isang platong sili sa pula ng mukha nito sa hiya.


" Shhh... Kayo talaga.." Saway ni Majaya.

" Totoo naman Majaya eh.. Mas bagay kau ni Sir Rusthy kesa sa Ashley na yan..." Wika ni Ellen.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon