***************************************************************************************************************************************************************************
**********************************************************************
Naikalas ni Calvin ang tali sa katawan niya. Sugat-sugat man ang kanyang kamay sa pagtanggal ng kanyang tali ay pinilit niya pa rin ito makaalis lang sa pagkatali sa kanya. Nang matapos niyang maalis nang tuluyan ang kanyang tali ay agad niyang sunod na kinalasan si Majaya. Ang dalaga na ang nagpatuloy sa pag tanggal ng tali niya at binalingan namn ni Calvin si Camille.
" Bilisan mo Tito.. I'm so scared..huhuhu..." Umiiyak na wika ni Camille.
" Don't worry Camille, makakaalis tayo dito.." Aniya.
Natapos din si Majaya at tinulungan na niya si Calvin. Nang matapos ay agad na kinarga ni Calvin si Camille at tumakbo sa may pintuan. Nang pihitin ni Majaya ang doorknob ay bukas ito.
"Bukas.. Dali na..." Sabi niya kay Calvin.
Agad silang nakalabas doon at dahan-dhang tumingin muna sa labas kung may tao. Isang mahabang pasilyo ang kanilang dadaanan bago pa nila marating ang main door. Naunang magcheck si Majaya. Pasilip-silip siya sa mga corners kng may tao, nang walang makita ay sininyasan niya si Calvin. Takbo silang dalawa habang karga ni Calvin si Camille.
BANG!!!
Bigla nalang pumailanlang ang isang putok.. Paglingon ni Majaya si Calvin ay natamaan sa binti at nadapa ito. Dagli naman nitong natakpan si Camille.
"Calvin!!!:" Sigaw ni Majaya.
"Saan kayo pupunta ha?!?!?" Biglang may isang lalakeng humawak sa dalawang braso ni Majaya.
"Bitawan mo ako hayup kayo!!!" Pagpupumiglas ni Majaya.
Binitiwan ni Calvin si Camille.. " Camille takbo!! Daliii!!!" Wika niya sa bata.
"But.."
"Sige na Camille tumakbo ka na!!!" Utos ni Majaya sa kanya.
"Titaa...huhuhu..." usal ni Camille habang tumakbo ito nang mabilis patungo sa main door. "AAAAYYYYYYY!!!" Biglang sigaw ni Camille nang biglang lumabas ang isang tauhan ni Sonia at hinarang ang bata. Nagsusumigaw ito at nagpupumiglas.
"Bitiwan niyo ako!! Let me go!! Let me go!!!" Sigaw niya.
"Bitiwan niyo siya!! Pakawalan niyo na si Camille!!!" Sigaw ni Majaya.
"Anong pakawalan ha?" Wika ni Sonia na dumating din. " Tumangka pa talaga kayong tumakas ha...." Nag-init ang dugo ni Sonia at pinagsasampal niya si Majaya. Nanginginig siya sa galit kaya nagdilim ang kanyang paningin at walang pakundangang pinagsasampal at pinagsusuntok si Majaya.
"Tama na!!! Tamana!!!" Sigaw ni Calvin habang namimilipit sa sakit sa kanyang binti na may tama ng baril.
"Aba bakit? ha?!?" Tanong ni Sonis kay Calvin at sabay inapakan nito ang kanyang sugat...
"AAAHHHHHH!!!" Napasigaw si Calvin sa sakit.
"SONIA!! TAMA NA!!!" SIgaw naman ni Majaya.
Siya naman ngayon ang binalingan ni Sonia. " Hindi pa ako tapos sayo." Aniya. Binaliktad niya ang kanyang singsing upang bawat hampas niya kay Majaya ay magsugat ito...
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...