Ugali

115 6 0
                                    

PLease don't forget to vote... Thank you...


*******************************************************************




***********************************************


Naiwan si Ashley sa bahay dahil pumasok si Rusthy sa opisina. Dumaan ito sa kwarto niya kanina bago ito umalis. sunod-sunod na ring umalis ang mga myembro ng pamilya. Wala siyang magawa ngayon kaya naisip niyang mag-swimming nalang tutal wala namang ibang tao doon aside sa mga katulong nila.


Sinuot niya ang kanyang bagong biling swimsuit. Nabili niya ito nang mura sa Taiwan dahil papalapit na ang winter kaya sale nalang ito. Isang green na swinsuit na nakahalter lang ito at bukas ang likod hanggang ibabaw ng puwet. Pormang-porma ang kanyang katawan sa suot niyang pangswimming na ito. Kung nandito lang si Rusthy sigurado siyang lalong mabibighani ito sa kaseksihan niya. Asset niya ang kanyang katawan. Sayang nga lang at ngayon niya lang naiisip na gamitin ang kagandahan niya, kung sana'y noon pa eh di.. mayaman na siya ngayon.


Paglabas niya ng kwarto ay nakatapis lang siya ng sarong at may bitbit siyang tuwalya. Nakasalubong niya ang isang katulong na si Ellen.


" Magandang umaga po mam Ashley, magsiwimming po ba kayo?" Tanong nito.

" Ah.. hindi magjojogging ako.. Hindi ba obvious?" Mataray niyang sagot nito.

" Ah.. sorry po..." Sagot nito.

" Ipaghanda mo akong breakfast, dalhin mo sa may pool..." Utos nito sabay talikod sa babae.


"Ang suplada parang kung sino..." Sabi ni Lanie na nakarinig sa sinabi ni Ashley.

" OO nga... Daig pa ang may-ari ng Hacienda dito. Mabuti pa ang senyor at senyora may please at thank you kapag nag-utos. Siya halatang galing sa walang breeding.." Sabi ni Ellen.

"Sus!! Lagyan mo kaya ng lason ang pagkain niyan para hindi na magpatuloy ang buhay ng isang tulad niya.." Wika ni Lanie.

" Gaga!! Tayo naman ang makukulong.. Kaw talaga kung ano-anong iniisip mo." Sabi ni Ellen.

"Nakakainis kasi, paano nalang kapag yan talaga ang magigig asawa ni Sir Rusthy, aalis na talaga ako rito. Magtitinda nalang ako ng kakanin sa amin." Sabi ni Lanie.

" Ay.. sasabay na rin ako sayo.. UUwi na rin ako sa probinsya namin." sabi rin ni Ellen.

"Paano yan wala na akong kasama dito sa bahay na magluluto?" Tanong ni Anton. " Ang seksi naman ni mam Ashley oh... Wow..." Nanlalaki ang mata ni Anton habang tinitignan si Ashley na nakatayo sa gilid ng pool.

"Manyak!!!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Yan! Yan ang makakasama mo.. Tignan natin kung kakayanin mo ang ugali niyang bruhang yan..." Sabi ni Lanie.

" Witch nga daw eh, sabi ni Camille..." Sabat ni Ellen.

" Hahaha!! OO nga.." Wika ni Lanie.


" O siya!! Ano bang gustong pagkain ng bago nating amo nang maipaghanda na?" Wika ni Anton.

"Lutuan mo ng tuyo at bagoong..hahaha..." Biro ni Ellen.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon