The Secret

139 6 2
                                    

Uhmmm.. Medyo dinamihan ko na masyado pa kasing malayo.. Enjoy reading po... Please don't forget to vote..



MjBlue(",)


*****************************************************************************************************************************************************************



BETHROTED


"Anong itatawag ko sayo Hon? love? Sweet?" Tanong ni Aries kay Majaya.

"It's up to you.. Ano bang mas feel mo?" Sagot naman ni Majaya.


Nasa sala sila ngayon at nag-uusap. Katatapos lang ng drama nila kanina kung saan sinagot na niya si Aries. Naalala ni Majaya ang mukha ni Rusthy nang makita niya silang dalawa at nang malaman niyang sila na.


May ngiti ito pero bakit parang iba ang kanyang nakikita. Hindi ito saya, kabaliktaran sa pinakita niyang ngiti ang pinapakita ng kanyang mga mata nang nagpang-abot ang kanilang mga mata.


" Guni-guni mo lang yan Majaya..." Aniya sa sarili.

" Hoy ano na? " Pukaw sa kanya ni Aries.

" Uhm... i'll call you bunch and you call me hunny how about that?" Tanong niya.

Saglit na nag-isip ang lalake. " Hunnybunch..hm...O sige para kakaiba naman..." Aniya.


Sabay silang napalingon nang marinig nila ang yabag ng dalawang nilalang na pababa ng hagdanan.


Si Rusthy at si Ashley. They're going out for dinner. Sa pagkakarinig ni Majaya, ngayon na magpopropose si Rusthy sa babae. Sigurado na ito sa kanya. Inisip niya si Camille, paano kaya ito tatanggapin ni Camille.


Kumaway silang dalawa kay Rusthy habang si Ashley naman ay hindi man lang lumingon sa kanilang dalawa. Nagtinginan silang dalawa ni Aries na kapwa naintindihan ang sinasabi ng kanilang mga mata, saka sila mahinang nagtatawanan.


" Hate ka talaga ng Ashley na yan hunny ko..." Sabini Aries.

" OO nga bunch... feeling ko tuloy mas maganda ako sa kanya...hehehe.." Aniya.

"Hmm... sabagay dapat nga siyang mainis sayo, mas maganda ka nga talaga eh..." Aniya.

"Ganun? Bunch.. Kailangan mo na ng Eyeglasses yata..." Sabi ni Majaya.


Lumingon ulit si Majaya sa kanila, sakto namang lumingon sa kanila si Ashley, isang matalim nanaman na titig ang pinukol sa kanya nito at pagkatapos ay inirapan siya. Napatawa nalang si Majaya sa ginawa ng babae.


"Bunch... Paano nga pala natin sasabihin kay Camille to?" Tanong ni Ashley.

"Iniisip ko nga kung paano eh.." sagot naman ni Rusthy.


**********************************************


Pinagmasdan niya si Ashley habang kumakain. Halatang nagustuhan nito ang lahat na kanyang napiling iorder. HInintay niya mun aitong makatapos sa pagkain saka siya magpopropose dito.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon