PAGASA

123 4 0
                                    

PLease dont forget to vote po... Thank you... Happy reading sa lahat....


MjBlue(",)



********************************************************************************************************************************************************************************************




BETHROTED


Sa kotse na ni Aries sumakay si Majaya, umiiwas nalng siya sa gulong mangyari kapag nalaman ni AShley na doon siya sasakay sa kotse ni Rusthy. Mabuti na lamang at maaga na ring nagigising si Aries upang pumunta ng opisina, tutulong ito kay Rusthy sa mga gawain doon. 


Plano ng magpinsan na gawan na rin ng opisina si Aries doon upang bigyan na talaga siya ng kanyang gawain sa opisina. Related din naman ang natapos nito sa business nila. Mahilig talaga sa designs si Aries kaya gamit din ito sa kompanya nila.


"Kumusta ang tulog mo? " Tanong nito.

" Okay lang.." Aniya. " Thanks nga pala sa flowers at chocolates kagabi... Kelan mo binili yun di ko naman napansing umalis ka?" Tanong niya.

"Di mo naman kasi mapapansin kung umalis ako o hindi kasi di mo naman ako pinapansin..." May himig pagtatampong sabi nito.


" Aba nagdrama ang lolo..." Natatawang sabi ni Majaya.

"Hoy hindi drama yun.. totoo naman diba?" Sabi niya.

" HIndi ah... siguro nalingat lang ako..haha..." Aniya.

"Meaning binabantayan mo rin ako?" Tanong ng lalake.

" Bakit naman kita babantayan? Security guard mo ba ako?" Tanong niya.

" Ah.. hindi naman.. future girlfriend.." Birong wika nito.

" Aba parang segurado ka na ah..." Aniya.

" Sisiguraduhin ko..." Sagot naman nito.


Napailing-iling lang si Majaya sa sinabi ng lalake. Sabay silang bumaba sa parking lot hanggang pag-akyat doon sa opisina.


"Wala ba akong pag-asa sayo Majaya? Sabihin mo lang nang sisipagan ko pa ang panliligaw sayo..." Sabi nito.


Akala ni Majaya ay sasabihin nitong titigil na siya kapag sinabi niyang wala nang pag-asa.


" Ikaw ang aga-aga panliligaw ang inuuna mo.  Wag kang mag-alala Aries, hindi naman kita papayagang manligaw kung walang pag-asa" Nakangiti niyang sabi nito sabay pasok na sa opisina.


Napatalon sa tuwa si Aries sa sinabi ng dalaga. Tumalon-talon ito at may pasayaw-sayaw pa siya. Tumigil siya ng bumukas ang pintuan. Si Majaya dumungaw sa pintuan...

" Papasok ka ba o diyan ka nalang?" Tanong nito.

"Hehehe.. I'll be there..." Sabi niya.

Pagpasok ni Majaya ay sumayaw-sayaw ulit si Aries, para siyang nakikinig ng music. This time nahuli siya ni Majaya na ginagawa yun. DI niya namalayang lumabas kasi ulit ito at pinanood siya nitong sumasayaw. Tawang-tawa ito sa hitsura niya pero pinigilan muna nito ang tawa niya.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon