The Dreams

116 4 0
                                    

Please Don't forget to vote... Happy reading po..


MjBlue(",)





***************************************************************************************************



"Gusto ko kay papa.. Gusto ko kay papa.. ibalik niyo ako kay papa!!!" Umiiyak at sigaw niya. Ikinulong siya sa isang madilim na silid. Di niya alam kung nasaan siya.

Biglang bumukas ang pinto at may pumasok na babae, di niya makita ang mukha nito dahil madilim..

"Hoy! Tumahimik ka!!! Pag di mo itigil yang pag-iyak mo gigilitan ko yang leeg mo!! Tumahimik ka!!" Sabi ng babae.

"Mama!!! Gusto ko nang bumalik kay papa.. Ibalik mo na ako kay papa!!!" Pagmamakaawa niya dito.

"HIndi!!! Hindi kita ibabalik sa kanya narinig mo? Hindi mo na siya makikita!!!" Sigaw ng babae sa kanya. Sabay labas nito sa silid. Narinig niyang nakalabugan sa labas, maya-maya'y may narinig siyang boses ng lalake.. " Ibalik mo ang anak ko kundi magkakamatayan tayo!!!" Wikang nasa labas.

"PAPA? PAPA!!! NANDITO AKO!!! PAPA!!!!" Patuloy pa rin ang kalabugan sa labas... Hanggang sa may naamoy siyang usok.. Biglang nagliwanag nang bahagya ang silid.. may apoy.. " PAPA TULUNGAN MO AKO!!! MASUSUNOG AKO DITO PAPA!!!" Pagsusumigaw niya... "PAPA!!! PAPA!!!!" Isan malaking poste ang bumagsak sa kanya, nahagip nito ang kanyang ulo bago ito matumba, kasabay ng pagtumba ng poste ay ang kanyang pagkabagsak sa sahig... Bago siya panawan ng ulirat ay pumasok ang isang lalake..." ANAK!!! ASHLEY!!!" Tawag nito sa kanya.

Marahang bumuka ang kanyang bibig.."Papa..." Sabi niya sabay nawalan na siya ng ulirat...


"Majaya gising..." Mahinang tapik sa kanya ni Rose.

" Ate rose.." Napabalikwas siya.

" Nanaginip na nanaman.. himihikbi ka.. tinatawag mo ang papa mo.." Aniya.

"Nanaginip nanaman po ako..." Aniya.

"Uminom ka ng maraming tubig baka mamaya niyan lagnatin ka nanaman... " Sabi nito.

"Ang sakit nga po ng ulo ko eh... HIndi ko alam.. parang napakatotoo ng panaginip ko.. Di ko maipalliwanag.. parang nangyari talaga sa akin.. I can see papa.. But I can't see the face of that woman... " aniya.

"MAy balita ka ba sa mama mo?" Tanong ni Rose.

"Wala po.. eversince.. wala akong alam sa kanya.. Ang sabi lang ni ate dati.. She married another man.. iniwan niya kami dahil mahirap lang si papa... I don't eve know her name... " Aniya.

" Wala bang sinabi ang papa mo?" Tanong niya.

" Ayaw niyang magmention kami tungkol kay mama.. binalaan niya lahat ng katulong na huwag banggitin ang pangalan na ama namin sa akin... Never nilang sinabi kung anong pangalan niya..." Wika nito.

"Siguro sobrang galit ang papa mo sa mama kaya bawal siyang banggitin sa inyo..' Sabi niya.

" Baka nga po ganun.." Aniya.

" O sige na matulog ka na ulit... Bukas bibilhan kitang dream catcher par amawala na yang masamang panaginip mo.." Sabi ni Rose.

" Okay po ate Rose.. salamat..." Aniya.

Hindi na sumagot si Rose, malamang tulog na ito.. subalit di pa rin dalawin ng antok si Majaya. Para kasing tunay ang kanyang panaginip. Sapo niya ang kanyang ulo dahil sumakit ito... di na ulit siya makatulog.. Hanggang sa marinig nalang niya ang tilaok ng manok ay dilat pa rin siya. Bumangon na lang siya at nagtimpla ng kape. Naabutan na niya si Anton sa kusina na nagluluto na.


" O ang aga mo namang nagising Majaya..." Sabi nito.

"Nagising po ako kanina, di na po ako makatulog sumakit na lang ang ulo ko... " ANiya.

"Bakit ano bang nangyari? Nanaginip ka ba?" Tanong nito.

" Opo.. Parang tunay po yung panaginip ko kasi ramdam ko yung sakit..." Sabi niya.

" Ano bang panaginip mo?" Tanongnito.

Kinwento niya kay Anton ang kanyang panaginip. Matamang pinakinggan naman siya nito wari'y iniisip kung anong ibig sabihin ito.

"Malamang mga pangyayari yan sa buhay mo...past events ba.. kung hindi man ngayon.. kundi sa dati mong buhay... Wla ka bang maalalang nangyari sayong ganyan.. or kahit related diyan sa panaginip mo?" Tanong ni Anton.

" Wala po... besides wala nga po akong maalala sa childhood ko eh..." Aniya.

" Nagkaamnesia ka ba Majaya?" Tanong nito.

"Imposible po.. wala namang sinabi si papa tungkol diyan..." Sabi niya.

" Papa?" Kunot noong tanong nito.

" Ah.. ibig ko pong sabihin noong buhay pa si papa, wala naman siyang namention tungkol diyan.." Aniya.

"Ah ganun ba? O siya.. kumain ka't uminom ka ng gamot para mawala yang sakit ng ulo mo... Try mong matulog ulit wag ka nalang munang pumasok ngayon.." Sabi nito.

" HIndi po pwede eh... Sige po inom nalang akong gamot..." Aniya.

" Sige ikaw bahala..." Sabi naman nito.

Pumasok pa rin si Majaya nang umagang yun. Kahit na uminom na siya ng gamot ay sumasakit pa rin ang kanyang ulo.


" Hunn.. matamlay ka.. Something wrong?" Tanong ni Aries sa kanya.

"Okay lang ako bunch... masakit lang ang ulo ko.. pero uminom na ako ng gamot.. mawawala rin to mamaya..." Sabi niya.

" Sure ka hun?" Nag-aalalang tanong nito.

" Yah.. sure ako.." Sagot niya.

" O sge, idlip ka muna diyan habang nagbibyahe tayo.. para mawala ng konti ang headache mo..." Sabi nito.


Pinikit ni Majaya ang kanyang mga mata at di namannagtagal ay nakatulog na siya... Nasa madilim na kwarto nanaman siya at umaapoy nanaman ito..." PAPA!!!!" Sigaw niya... Nang may humawak sa kanya.. ang babae ito..


"HIndi ka niya makukuha..HAHAHA!!!" Sabi ng babae.

"PAPA!! TULUNGAN MO AKO PAPA!!!" Sigaw niya.

"Hindi ka mapapa sa kanya!! HAHAHA!!!"

"PAPA!!! PAPAAAA!!!!" Siaw niya.


Napabalikwas siya ng biglang nagbreaksi Siaries ng kotse.


" HUn.. You're dreaming..." Sabi nito sa kanya.

HInihingal siya.. Agad namang kinuha ni Aries ang tubig at pinainom siya...

" Sumisigaw ka ng Papa.. nanghihingi ka ng tulong..." Sabi ni Aries.

Sapo ni Majaya ang kanyang ulo... " Wala to bunch baka siguro sa sakit lang ng ulo ko.." Aniya.

"Gusto mo ibalik nalang kita sa bahay? Tanongnito.

" Wag na bunch. deretso na tayo sa office.. okay lang to.." Sagot niya.

"Basta tell me nalang kung di mo kaya ha... " Sabi nito. Sabay halik sa noo niya.

" Okay... " Sagot niya.



Buong maghapong sumasakit ang ulo ni Majaya. Mabuti na lamang at walang masyadong gawain sa office kaya hindi siya masyadong napressured. Alalang-alala naman sa kanya ang kanyang nobyo na si Aries sa kalagayan ng kanyang nobya. Ngunit natapos naman ang maghapon na walang masamang nangyari dito.


BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon