MOVING AWAY

538 12 0
                                    

N/A

Geeee... Another story ko nanaman po.. Hahaha... This story is somewhat familiar like arrange marriage.. Yet...marami po itong twist.. Kaya po enjoy nalang po sa pagbabasa... I hope you like this story of mine..

Dont forget po to vote, like or share... Comments din po for inspiration.. Thank you...

*************†**********************
CHAPTER 1

BETHROTED

"Patutunayan ko sayo papa.. May magmamahal sa akin ng totoo at hindi dahil sa kayamanan natin!" Naalalang wika ni Majaya sa kanyang ama habang naglalakad siya patungo sa sakayan ng bus.

Betrothed si Majaya sa anak ng isang business partner ng kanyang ama. Hindi pa niya nakikita ang lalake sa buong buhay niya at nananalangin siyang makakahanap sin ng babaeng para sa kanya ang lalakeng yun. Dahil ayaw niya ng arranged marriage.

Napagdesisyunan ito ng kanyang ama after nang may nangyaring masama sa kanyang ate Silvia dahil sa pag-ibig. Naging baliw sa pag-ibig ang kanyang kapatid. Isang lalakeng pinagkwartahan lang siya, ginamit hanggang sa makagtapos ito ng pag-aaral at sa araw ng kasal nila ay hindi siya sinipot nito, yun pala ay sumama na ito sa matagal na nitong isa pang nobya at nagpakalayo-layo.

Pera ng kanyang ate ang ginamit ng lalake upang makapagtapos ito ng pag-aaral, palibhasa'y palaging may malaking dinideposito ang kanyang ama sa account ng kapatid para sa pag-aaral nito. Sobra-sobra ito kung tutuusin subalit ayaw ng kanyang ama na makaranas ng paghihirap ang kanyang ate sa pag-aaral nito kaya binibigyan ito ng kung anuman ang gusto niya.

Nang hindi siputin ng kanyang boyfriend sa araw ng kasal nila ay lubhang nasaktan ang kanyang kapatid, naging diperada ito, nalulong sa druga alak hanggang sa nagkasakit ito at di na naagapan aY namatay.

Dahil sa takot na matulad sa kanyang ate ay ipinagkasundo siya ng ama sa anak ng isang business partner nito... That time she's still in high school. Kinalimutan niya ang isuue na yun sa pag-aakala hindi iyon matutuloy. Ngunit nitong pag-uwi niya lang galing US dahil doon siya nag-aral ay niremind siya ng kanyang ama tungkol doon. Mahigpit ang pag-ayaw niya dahil ayaw niyang mag-asawa sa lalakeng hindi naman niya mahal at kilala. Imagine? Magkikita lang sila a day before their marriage?

" Basta Majaya! Magpapakasal ka sa anak ng kumpare ko.. Para rin ito sa iyong kinabukasan at sa iyong kaligtasan upang hindi ka matulad ng kapatid mo.. Nag-iisang anak nalang kita.. Ayokong pati ikaw ay mawala pa..." Wika nito.
"Pa! I can't marry some I don't love!" Mariin niyang wika dito.
" Majaya... Noong nagpakasal kami ng mama mo... we both love each other.. But what she did? Iniwan niya tayo at sumama sa mayamang lalake." Sabi nito.

Laging argument nilang mag-ama ito kapag napag-usapan nila ang tungkol dito. Isang araw at nag-sawa na ata ang kanyang ama sa pakikipagtalo sa kanya...

"Okay!! I'll give you a year to find that someone... kapag natapos ang taon na yun na wala.. babalik ka rito at magpapakasal ka sa anak ng kumpare ko." Wika nito.

That time agad siyang naghanda sa pag-alis niya... Aalis siya hindi bilang isang Majaya Valmayor kundi isang simpleng Majaya.

MAJAYA is a daughter of one of the most successful businessman in the whole world. Dati isang sales agent lang ang kanyang ama. Tapos ito ng business course subalit hindi kaagad nakapagtrabaho kaya naging salesman siya. Naglalako ng kung ano-anong pautang na gamit sa kalsada. Di rin madali ang buhay para sa kanila. When she is 3 months old iniwan sila ng kanyang ina at sumama ito sa mayamang lalake. Dito lalong nagsumikap ang kanyang ama hanggang sa naabot ang kung ano man siya ngayon. Nobody would expect that to happen sa isang lalakeng naglalako lang ng pautang sa kalsada. Ngayon isa nang pinakasikat na business tycoon around the world. Hindi naranasan ni Majaya ang kahirapan gaya ng naranasan ng
kanyang ate Silvia kaya nang silay makaangat ay nasunod na ang luho nito.. Samantalang siya ay namulat na sa ganoong sitwasyon subalit hindi niya inispoiled ang sarili sa kayamanan nila. Hindi niya alam kung bakit pero wala siyang hilig sa luho.
Mabait ang kanyang ama, at alam niyang mahal na mahal siya nito.Concern lang ito sa kanya kaya siya nito gustong mag-asawa sa anak ng kaibigan niya. But Majaya is a type of girl who takes all the risk para maprove sa kanyang ama na mali siya.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon