Goodbye

125 7 0
                                    

******************************************************************************************************************MjBlue(",)**************************************************************************************************************************************************Please dont forget to vote*********************************************************************************



******************************


Malalim ang iniisip ni Marion habang pinagmamasdan ang anak na natutulog. Napuyat din ito kagabi, hindi ito natulog hangga't di makauwi ang makatulog si Majaya. Hindi kasi mawala sa isip niya si Majaya at ang Kawawang hitsura nito nung nakauwi na.


Narinig niya ang mahinang katok sa pintuan ng kanyang silid..

"Ate Marion..." Tawag ng nasa labas.

Si Majaya iyon.. Agad siyang tumayo upang pagbuksan ang dalaga. Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang niyakap ito.


"Majaya..." Aniya.

"Ate Marion gusto ko sanang magpaalam sayo.. uuwi na po ako sa amin..." Wika nito.

"Pero paano ka? Wala ka ng trabaho?" Tanong niya.

"Di bale na po... Makakahanap naman siguro ako ng trabaho sa amin..." Aniya.

"Majaya... Ayokong umalis ka dahil hindi ko alam kung anong lungkot ang mararamdaman ng anak ko.. Subalit hindi rin kita mapipigilan dahil naiintindihan ko ang nararamdaman mo." Aniya.

"Maraming salamat ate Marion... Uuwi na po ako sa amin kung saan walang makapagpanakit sa akin, walang aapak sa akin walang sino mang manglait..." aniya.

"Siguro nga Majaya, mas mabuting umuwi ka... nang makapag-move on ka na lang sa nangyari.." Aniya.

"Ate Marion.. Maraming salamat sa pagtanggap niyo sa akin dito.. Napakabait niyo po.." aniya.

"Napakabuti mong tao Majaya, maging sino man ay hindi magsisising tanggapin ka sa kanilang tahanan." Sabi ni Marion.

"Maraming salamat ate Marion sa paniniwala mo sa akin. Hindi ko po kayo makakalimutan..." Aniya.


"Mommy..." Sabay silang napalingon kay Camille.

"Baby.. you're awake... Tita Jaya is Leaving..." Sabi ni Marion.

Nagtalukbong ulit ng kumot ang bata.

"I don't wanna talk to her.. I want to go back to sleep.." Wika nito.


Nagtinginan si Majaya at Marion. Lumapit agad si Majaya dito.

"Baby... I don't mean to do this... But i have to... baby please understand tita Jaya.. I love you.. i love you so much..." umiiyak na paliwanag ni Majaya sa bata.


Ngunit hindi sumagot ang bata. Nanatili itong nakatalukbong ng kumot at nagkukunwaring tulog. Niyakap siya ni Majaya...


"Baby please..." Aniya...


"Just.. leave..." Garalgal ang boses ni Camille...


Matagal na nakayakap si Majaya sa kanya pero hindi pa rin siya nito kinausap. Tinapik siya ni Marion sa balikat at sinenyasang siya na ang bahala. Tumayo na siya at niyakap si marion sabay alis sa silid na yun. Bumalik siya sa silid nila upang ipagpatuloy ang pagliigpit ng kanyang mga gamit.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon