The Discovery

136 8 1
                                    

Hmmmm... So ayan na... Siguro naman You'll see things happen for a reason.. Hehehe..


Don't forget to vote... Enjoy Reading..


MjBlue(",)


*********************************************************************************************************************************************************************************************




BETHROTED


Nasa labas ng bahay sina Marion at Aries pagdating nila ni Rose ng bahay. Inaalalayan ni Mang lando si Majaya dahil nanghihina ito. Sa layo ba naman ng nilakad ng dalaga. Buong araw pa itong hindi kumakain at kaihit tubig man lang.


Agad sumalubong si Camille sa kanya.

"Tita Jaya... Tita Jaya..." Sabay yakap ng bata sa dalaga.

"Majaya..." Lumapit din si Aries.


"NOOO!! Sigaw ni Camille. " STAY Away from here!!! Ayokong lumapit ka sa kanya!! You hurt her!! AWAY!!!" Galit na sigaw ni Camille kay Aries.

"Majaya!! Please patawarin mo ako.. PLease Majaya mahal kita mahal na mahal kita..." Pagsusumamo ni Aries.


Ngunit nanatiling tahimik si Majaya. Para itong walang narinig at nakatingin ito sa kawalan.


"You don't love her.." Sabi ni Camille habang nakaharang pa rin kay Majaya upang hindi makalapit si Aries.


"Kailangan nang magpahinga ni Majaya. Bukas mo nalang siya kausapin.." Wika ni Rose.


Walang nagawa si dahil hindi talaga umalis si Camille sa tabi ni Majaya at ayaw talaga nitong makalapit siya dito. Tahimik pa rin sa Majaya. Si Rose na mismo ang nagbihis dito ng pantulog at nagpunas ng katawan nito habang awang-awa naman sa kanya si Camille. Hindi siya iniwan nito hangga't hindi siya makatulog. Nakatulog na rin ang bata sa tabi nito. Binuhat nalang ni Rose si Camille at ihinatid sa silid nila ni Marion.


"Kumusta na siya?" Tanong ni Marion.

"Di pa rin umiimik mam eh... Kanina lang siya nagsalita noong nahanap ko siya, sabi niya uuwi nalang daw po siya.." Wika nito.

"HA? Uuwi? Wala siyang trabaho.." Sabi ni Marion.

"Sa palagay ko po mam mas makakabuti kay Majaya ang umuwi nalang muna..." Sabi naman ni Rose.


HIndi sumagot si Marion. Nag-aalala siya kay Majaya dahil mawawalan ito ng trabaho.. Pero kung mananatili siya sa bahay nila ay baka hindi ito makarecover. Si Camille, inaalala niya rin ito.. Siguradong malulungkot ang anak niya kapag umalis si Majaya.


********************************


"Anong pangalan mo?" Tanong niya.

"Ashley..." Sagot nito.

"I'm Rusthy..." pakilala niya.

" Tagarito ka?" Tanong niya.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon