Ang may Pasimuno

139 5 0
                                    

Thanks for reading..please dont forget to vote..thank you..

MjBlue (",)

*****************************************************************

"Grabe pareng Albert, puspusan talaga ang paghahanap ni Sir Rusthy kay Ashley." Kwento ni Edward.

"Sinong Ashley ba yan pre?" Tanong ni Albert sa kaibigan.

" Ito yung babaeng nakita dati ni Sir Rusthy sa may tabing dagat noong maliit pa siya. Napangakuan niya itong ligawan paglaki. Ngunit pagkatapos ng araw na yun, di na sila muling nagkita ni Ashley, kaya hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya ito." Kwento nito.

"Ganun ba pre? Kwentuhan mo nga ako tungkol sa Ashley na yan.. Paano ba ang pagkikita nila ng boss mo? Sa anong sitwasyon at araw?" Tanong nito.

Kinwento ni Edward sa kanya ang tungkol sa Ashley na hinahanap ni Rusthy sa kanilang lugar, kaya nga nito nabil ang resort na pinagtatrabahoan ng knayang kaibigan na si Edward at ng kanyang asawa.

Bigla nalang may pumasok sa utak niya.

*****************************************

Napabalikwas si AShley sa ring ng kanyang phone. Day-off niya ngayon at nasa bed lang siya buong araw natutulog. Pagtingin niya kung sinong tumatawag, nagtaka siya dahil ang kuya niya ito. Bihira lang itong mag-message o tumawag sa kanya sa ganitong mga petsa, dahil hindi pa araw ng sahod. Tumatawag lang ito kapag sahod na o malapit na ang sahod para iremind sa kanya ang babayarin nila. Malapit na siyang umuwi, at sa buong kontrata niya dito ay puro padala nalang ang kanyang sahod sa Pinas. Kaya di siya makagala kagaya ng mga katrabaho niya. Ayaw niyang sagutin baka ano nanaman ang request ng kapatid niya, wala na siyang pera. UUwi nga siyang walang madadalang ipon. Pero di pa rin tumigil ang pagriring ng kanyang phone, inis na sinagot nalang niya ito.

" Ashley! Bakit ang tagal mong sumagot?" Naiiritang tanong nito.

"Kuya naman natutulog ang tao eh!" sabi niya.

"Saan ka nanaman kasi gumala kagabi at puyat ka?"

" Anong igagala ko eh lahat ng sahod ko pinadala ko sa inyo?" sabiniya.

"Nanunumbat ka ba?" Tanong nito.

" Hindi naman, wag kasing sabihin na gmagala ako dito, ni hindi nga ako makalabas-labas bumili man lang ng damit ko dahil pinapadala ko ang sahod ko sa inyo." Aniya

"Tumigil ka na diyan sa drama mo! Makinig ka, may sasabihin ako sayong importante. Ito na ang sagot sa kahirapan natin." Wika nito.

Kinwento ni Albert sa kapatid ang tungkol sa Ashley na hinahanap ni Rusthy. Kilala ni Ashley si Rusthy, galing ito sa mayamang angkan ng mga Broce sa Baguio. Lagi kasi itong napunta sa resort na malapit sa kanila, at kapag nandoon yun ay nagsisipag-abang sila ng mga barkada niya upang makita ang lalake habang naliligo ito at nakabrief lamang. Nangingiti siya kapag naalala niya iyon. Ang gwapo kasi ng lalakeng iyon, lagi niya itong nakikita sa tabing dagt na nakaupo at wari'y may hinihintay.

" O ano Ashley!? Nakuha mo na ba ang mga sinasabi ko? Pag-uwi mo deretso na tayo upang makipagkita sa kanya at magkukunwari kang ikaw si Ashley na kanyang hinahanap." Tanongnito.

" Pag-iisipan ko kuya... " Sagot niya dito.

Kinabukasan ay pinatawag siya ng kanilang coordinator sa dorm. Kinausap siya nito sa office.

" Ashley... Malapit na ang end of contract niyo.. Gusto kong malaman mo na hindi na magrerehire ang kompanya niyo dahil palugi na ito. So ngayon pa lang mag-ipon ka na ha..." Sabi ng coordinator nila.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon