***************************************************************************************************************************************************************************************************************
**********************************
Tapos na ang mga hinandang pagkain ni Majaya. Maya-maya lamang ay darating na kanilang mga bisita. Dumating na kaninang hapon ang kanyang papa, at sinabi nito na nitong gabi na pupunta ang pamilya ng magiging asawa niya pati na rin ang lalakeng pakakasalan niya na kararating lang nito galing US.
"Majaya anak, kumusta diyan? Handa na ba ang lahat?" Tanong ng kanyang ama.
"Opo pa.." Sagot niya.
"Mabuti naman, ilang minuto nalang darating na ang mga yun, tumawag kasi ang kumpare ko na umalis na raw sila ng bahay." Mungkahi ng kanyang ama.
"OKay pa.. I'll just go upstairs and wash-up..." Aniya.
"Okay.. get ready by then... Kailangang maganda ka para naman presentable ka pagharap mo sa magiging in-laws mo at sa mapapangasawa mo." Sabi ng kanyang ama.
Marahang tumango lamang si Majaya sa ama at tumungo na sa silid nito. Umupo siya sa harap ng kanyang dresser. Tinitigan niya ang kanyang sariling repleksyon sa salamin. She had lose weight lately, dahil siguro sa pinagdaanan niya. Sinuklay niya ang kanyang mahabang buhok habang patuloy na pinagmamasdan ang sarili.
Hindi ba siya maganda? Malalaki ang kanyang mga mata,her dark and thick eye lashes coordinates with her eyes. Pormado ang kilay niya kahit di niya ito binubunutan o ahitan. Ang kanyang ilong ay mana sa kanyang ama, matangos naman ito... Makinis ang kanyang mukha at di man lang ito natutubuan ng pimples. Kahit siya masasabi niyang may taglay naman siyang kagandahan kahit na hindi sobrang ganda. Bakit kailangan pa siyang ipagkasundo sa lalakeng di niya kilala? Wala na ba talagang lalakeng magmamahal sa kanya nang totoo?
Nahagip ng kanyang paningin ang bracelet na bibigay sa kanya ni Rusthy. Kinuha niya ito at isinuot muli. Tinitigan niya itong mabuti.
"Rusthy..." USal niya...
Maya-maya'y narinig niya ng kumatok ang isa nilang kasambahay.
"Ate Majaya... Nandiyan na bisita niyo.. Pinapababa na po kayo ng papa niyo..." Mungkahi nito.
"OKay sige, susunod na ako.." Aniya.
Isinuot niya ang nakahandang damit niya. Nagpulbo at lipgloss lang siya at sinuklay muli ang kanyang buhok saka lumabas ng kwarto.
Kasalukuyang nag-aabang sa may pintuan ang kanyang ama sa mga parating na bisita. Tumayo naman siya sa likod nito. Maya-maya ay pumasok na ang mga ito.
"Kumpare.. good evening.. Kumusta?" Masayang bati nito.
"Good evening din kumpare, mabuti naman.. Ikaw kumusta na kayo? Kumusta ang trip niyo sa Malaysia? Masaya ba?" Tanong nito.
"OO sobrang saya pare, enjoy na enjoy kami ni Misis..." Sabay akbay sa asawa nito na nakangiti lang din. " Salamat nga pala sa regalo ninyo ni Lucas sa aming mag-asawa ha.. .Sulit na sulit.. Siyanga pala may mga dala din kaming pasalubong para sa inyo galing sa Malaysia..." Wika nito. Sabay senyas sa kasama nilang katulong na ipasok ang mga pasalubong.
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...