Helloo po... have you waited long for the next chapter? hmmm... Wag po kasi kalimutang magvote.. Just click the star above at the last page of every chapter.. thank you po...
*****************************************MjBlue(",)***********************************************
BETHROTED ( Meeting AShley)
Nagising si Rusthy sa ring ng kanyang phone. Thursday night nagpunta na siya sa resort. Ngayon na ang dating ni Ashley mula sa Taiwan.
Tinignan niya muna kung sinong tumawag bago sagutin. Unregistered ang number na tumataw2ag. Baka si Albert na yun..
" Hello?" Sagot niya.
" Hello sir Rusthy good morning po.. Si Albert po ito.. remind ko lang po ngayon na ang dating ni Ashley..." Sabi nito.
" OO andito na nga ako sa resort.." Sabi niya.
" Ah ganun po ba? O sige po.. pupunta nalang kami diyan pagkatapos naming ihatid ang bagahe ni Ashley sa bahay." Aniya.
" O sige po... Maghihintay nalang ako dito..." Sabi niya.
" O sige po sir.. mamaya nalang..." Wika nito at nagpaalam na siya.
Bumangon na si Rusthy upang bilinan ang tagaluto na magluto ng espesyal na pagkain para sa darating na bisita. Pinaayos niya rin at pinalinis ang place na kakainan nila.
Excited na siya sa muling pagkikita nila ni Ashley. After how many years of searching kusang lumapit ang destiny sa kanilang dalawa. Ngayon maisasakatuparan na niya ang matagal niyang pangarap.
"Mukhang ang saya natin ngayon sir ah.." Wika ng katiwala nilang si Edward.
" OO nga mang Edward, biruin mo.. Ilang taon ko kayang hinanap si Ashley.. Sabi ko na nga ba't dito ko lang talaga siya matatagpuan... Hindi talaga ako nagkamali sa disisyon kong bilhin ang resort na to." Aniya.
"OO nga po.. nagpapasalamat din po kami at naisalba niyo ang resort na to kung hindi ay wala na rin kaming kabuhayan ngayon." Wika ni Edward.
Nagring na ang phone ni Rusthy. Si Albert ang tumawag.
" Sir.. Papunta na po kami diyan... Hindi niya pala alam na ikaw ang pupuntahan namin sir.. surprise kumbaga." Wika nito.
" Ah..Ganun ba? O sige.. nakahanda na kami dito.." Aniya.
" May handaan pa talaga sir?" Tanong nito.
" OO pang welcome din para sa kanya dahil nakabalik na siyang pinas." Sabi ni Rusthy.
" Sobra-sobra na ata yan sir... Okay na pong mapagpasiya ko ang kapatid ko dahil magkikita na kayo..." Wika nito.
" Okay lang yan Albert.. After how many years of waiting.. Kulang pa tong ginawa ko para sa kanya.." Sagot naman ni Rusthy.
Habang abala ang lahat ay tinawagan naman ni Rusthy si Marion upang ibalita ang nag nangyayari doon sa resort. Masaya itong nakipag-usap sa kanya tungkol kay Ashley. Masaya ang kapatid niya sa nangyayari. HIndi rin ito lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang... Masaya at suportado din siya ng mga ito.
Di nagtagal ay nakita na niyang pumasok si Albert... Kasunod nito ang isang babae. Simpleng puting sleeveless shirt at maong pants lang ang suot nito. May kurba ang katawan at mahaba ang itim na buhok na parang bagong rebond lang ito.
Palinga-linga ang babae sa paligid parang nagtataka ito kung saan sila pumunta at anong gagawin nila doon.
Sinalubong niya ang dalawa. Meron siyang hawak na kumpol ng bulaklak na ibibigya niya dito.
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...