They we're Kidnapped

95 5 0
                                        

8************** Hello po... Sorrryyy po nang madami medyo matagal d nakapag update.. May kabagalan kasi net sa probinsya... Susubukan ko pong damihan ang update.. Censya na po... **********************************************************************************************************************************************************************************************





CHAPTER 24

BETHROTED

Nagkagulo na sina Marion nang hindi nila makita ang tatlo. Ilang beses nilang tinawagan si Majaya subalit hindi nito sinasagot.. Gayun din si Calvin. Hindi nila alam kung kasama ng ga ito si Camille.

"Ate Marion.. Nandito lang sa bag ni Majaya ang kanyang telepono.." Wika ni Rose.

"Halughugin niyo ang buong paligid, utos ni Ignacio na kanyang mga tauhan..." KInakabahan na rin siya baka may masamang nangyari sa tatlo.

"Diyos ko!! Masama na ang kutob ko!!!" Wika ni Alfredo. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Sonia. " Huwag naman sna Diyos ko...Please.." Panalangin niya.

Maya-maya'y may isang tauhan ang tumatakbo pabalik sa lugar nila... Pinakita nito ang cellphone na nahanap nila sa bandang likuran...

" Kay Calvin to.." Wika ni Ignacio.

"Diyos ko!! Nasaan ang anak ko!! Baka may masamang nangyari sa kanila!!! Ignacio hanapin niyo ang anak ko!!!" Naghehistirekal na sabi ni Maureen.

"Camille.." Naiiyak na sambit ni Marion.

Agad naman siyang niyakap ni Rose..." Relax lang ate.. Mahahanap din natin si Camile.." Aniya.

"Baka dinukot sila.." Wika ni Lucas.

" Sino tito? Sino ang dudukot sa kanila? HUhuhu.." Tanong ni Marion habang umiiyak

" ISa lang ang nasa isip kong may pinakamasamang budhi..." Aniya.

"Sino?" Sabay na tanong ni Rose at Marion.

" Si Sonia.." Tiimbagang niyang sabi.

"Wag ko lang malamang si Sonia dahil papatayin ko talaga siya!!" Banta ni Marion.

"HIndi pa nahanap ng mga kapulisan si Sonia Marion.. Hindi rin natin alam kung ano ang balak niya..." Wika ni Alfredo.

"Wag niya talagang masaktan ang anak ko kung hindi.. dudurugin ko talaga siya..." Aniya.

" Sana nga Marion.. Sana nga wala siyang gagawing masama sa kanilang tatlo...Naalala ko lang ang ginawa niya dati kay Majaya.. Muntik nang mamatay si Majaya dahil sa kanya." Wika ni Alfredo.

******************************************

Nagising si Majaya na nakatayo habang nakatali sa isang poste. Naramdaman niya ang kirot sa kanyang batok. Bigla niyang naalala ang nangyari. Agad niyang hinanap sa mga mata niya si Camille at Calvin.

" Camille? Calvin?" Tawag niya.

"Tita Jaya..huhuhu..."

Napansin niyang nasa isang poste si Camille, nakatali din ito. At sa kabila naman ay si Calvin.. Wala pa rin itong malay.

" Calvin... Calvin.." Tawag niya.

Narinig niya ang mahinang ungol ng lalake.. Nagising na rin ito.

"Majaya? Na-nasaan tayo?" Tanong niya agad.

"Hindi ko alam.." Sagot niya.

" Si Camille?" Tanong niya.

BETHROTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon