PLease don't forget to vote..Thanks..
MjBlue (",)
******************************************************
Sumimangot ang mukha ni Ashley sa sinabi ni Camille. Eh paano nalang si Majaya, hindi naman to myembro ng pamilya nila pero kung umasta parang kamag-anak. Inis na inis sa Ashley. Napansin naman ito ni Rusthy.
" Mahal pasensyaha mo na yung bata ha..." Sabin ito.
" May magagawa ba ako? Ano ba kasing pinakain ng Majayang yan sa bata at ganyan ka maldita?" Sabi niya.
HIndi na umimik ang lalake. Si Majaya nanamn ang dinidiin nito. Dinala na siya ni Rusthy sa magiging room nito. Manghang-mangha siya sa laki at ganda ng kwarto. Doble ang laki nito sa kwarto niya sa kanilang bahay. At may aircon pa ito. Ang kama napakalambot.
" Okay ka lang ba sa room na to mahal?" Tanong nito.
" kay lang mahal.. Pero sana sa kwarto mo nalang ako matutulog.." Sabi niya.
" Mahal.. Hindi pwede... hindi papayag sina mama at papa." Aniya.
" Ganun ba? " Malungkot siya kunwari.
" O sige na mag-ayos ka na... para makalabas ka na't kakain..." sabi nito.
"Hmmm.. ayoko.. dito muna tayo... " Sabi nito.
" Ha? Mahal naman.. masyado pang maaga..." Sabi niya.
"Sige na mahal.. miss na miss na kita eh.." Wika nito sabay kalawit ng braso niya sa batok at nakikipaghalikan sa lalake. HInila niya ito pahiga sa kama nang hindi naghiwalay ang kanilang mga labi. Walang magawa ang lalake kundi gawin ang gusto niya.
May nangyari nanaman sa kanila sa loob ng kwartong iyon. Sa isip naman ni Ashley tuwang-tuwa siya dahil tuluyan nang nahuhulog sa kanya ang lalake. Wala na itong kawala sa kanya. Sabay pa silang naligo pagkatapos at hindi siya pumayag na walang mangyari sa kanila sa loob ng banyo. Sa ganda pa naman ng banyong iyon.
Nagpahinga sila saglit at lumabas na sila doon upang kumain. Nakasalubong nila si Majaya paglabas, ngumiti ito sa kanila subalit inirapan lang ito ni Ashley sabay hila kay Rusthy patungong kusina.
Kibit balikat naman si Majaya habang tiningnan silang pumasok sa dining area. Nakahanda na ang pagkain doon dahil nagrequest si Rusthy na magluto siya dahil nga darating si Ashley.
" Hi Angel..." Biglang bati sa kanya ni Aries.
Galing itong naglaro ng basketball at pawis na pawis ito ngayon. Lalo itong naging gwapo ang ala Troy Montero nitong mukha dahil namumula-mula ito. He is smiling at her showing off his dimples at pantay pantay na mga ngipin.
"Stop staring... Natutunaw ako..." Wika nito sa kanya.
Napahiyang iniwas ni Majaya ang tingin sa lalake. Di niya napigilan kasi ang sariling titigan ang gwapong mukha nito.
" Uy... your sheeks are red.. nagbablush..haha.." Sabi nito.
" Hmmp!! magbihis ka na nga, basa ka oh! Sige ka pulmoniahin ka niyan..." Sabi niya.
" yay.. she cares.. Sarap mo siguro talagang maging girlfriend noh... Aalagaan mo ako nang husto... Well.. ako din naman.... mamahalin kita at aalagaan habang buhay." Sabi nito.
"Asus! Hayan ka nanaman... Bumangka ka nanaman.. aga pa ui!" Saway niya.
" Wala namang pinipiling oras para ipakita at iparamdam ang pagmamahal eh... Kahit oras-oras sasabihin ko sayo na gusto kita." sabi nito.
"Siya! Siya! Magbihis ka na't kumakain na sina Rusthy doon, nandiyan na yung girlfriend niya, sabayan mo na silang kumain para may kasabay ka." Aniya.
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...