BETHROTED
Nagulat si Ashley sa pagtunog ng kanyang telepono. Abala kasi siya sa paglagay ng pangalan ng mga invitation card para ipamigay sa kanyang mga kaibigan.
HIndi nakaregister sa phonebook niya ang number, inakala niyang baka sa nagtahi iyon ng kanyang gown kaya sinagot niya ito.
"Hello?" Aniya.
" Ashley.." Sabi ng nasa kabilang linya.
" Si-sino to?" Tanong niya. Pero kinabahan siya dahil parang pamilyar sa kanya ang boses ng kausap.
"Nakalimutan mo agad ang boses ko?" Tanong nito.
" A-arman?" Tanong niya.
"Akala ko nakalimutan mo na.. Kumusta na Ashley?" Tanong nito.
"Ba-bakit ka tumawag? Paano mo nalaman ang number ko?" Tanong niya.
"Hindi na mahalaga kung saan at kanino ko kinuha ang phone number mo... Ang mahalaga makausap kita. I want to talk to you bago ka man lang ikasal.. Para sa ikakatahimik ng aking kalooban..." Aniya.
"Nasaan kaba ngayon?" Tanong ni Ashley.
"Nandito ako sa bayan niyo, kahapon lang ako dumating." Sabi nito. " Magkita tayo Ashley.." Hiling nito.
" O sige, ibigay mo sa akin ang lugar kung saan ka nagstay.. pupuntahan nalang kita. Ayokong makita ng mga tao na may katagpo sa labas, ikakasal na ako sa isang pinakamayamang lalake at kilala ito." Aniya.
"Okay.. Maghihintay ako sayo dito." Sabi nito.
" O sige.. "
Binigay ni Arman ang pangalan ng hotel kung saan siya nakatira ngayon. Agad namang nagbihis at umalis si Ashley upang puntahan iyon. Tapos na ang seminar nila ni Rusthy at sa susunod na linggo ay ikakasal na sila.
Nagmamadali siyang umalis ng bahay. Tinawagan niya muna si Rusthy na pupunta sa isang kaibigan at walang signal ang lugar nito baka magtaka kung di siya makontak.
Pagdating niya sa Hotel ay naghihintay sa lobby si Arman. Agad itong lumapit sa kanya.
" Ashley.. Salamat naman at nakarating ka... Tara doon tayo sa aking kwarto." Anyaya nito.
Lumingon-lingon muna siya baka may makakita sa kanya at saka sila sumakay sa elivator. Tahimik silang
dalawa habang nasa elevator.
Ilang buwan na ring hindi sila nagkita ng lalake. Pag-alis niya ng Taiwan ang alam niya may girlfriend na ito. Sa gilid ng kanyang mga mata ay pinagmasdan niya ang lalake. Medyo namayat ito subalit nandoon pa rin kaamuhan ng mukha nito na siyang kanyang nagustuhan dito. Mahal pa rin niya ito, ito ang unang lalakeng pinagkalooban niya ng kanyang pagkababae. At hinding-hindi niya ito makakalimutan dahil ginawa nila iyon ng punong-puno nang pagmamahal at di siya nagsisisi. Kung sana'y mayaman lang siya, hindi na niya hihiwalayan ang lalake. Masaya siya sa piling nito.
"Ku-kumusta ka na..." Nag-aalangang tanong ng lalake.
Lumingon siya dito.. " Okay lang..." Kasabay nito'y isang mapait na ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.
Tinitigan siya ng lalake. nawari nito na hindi masaya ang dalaga.
Nakarating na ang elevator sa palapag kung saan ang room ni Arman. Naunang lumabas si Arman at sumunod naman si Ashley. Tahimik sila habang naglalakad nang biglang humarap si Arman sa kanya at nagkatitigan sila. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at pinupog na halik. Isinandal siya ni Arman sa pader at inipit ang katawan niya sa katawan nito habang patuloy nitong pinaglalaruan ang kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...