********************************************************************************************************************************************************************************************************
*************************************************************************************
Dagling isinugod sa Hospital si Marion dahil sa natamong sugat nito sa dibdib. Kritikal ang kundisyon nito at kasalukuyang inaasikaso ng doktor. Mabilis ding sumunod si Majaya at Rusthy doon, bitbit ni Rusthy si Camille na nagkamalay na sa saksakyan papunta sa hospital.
"Pa anong balita?" Tanong ni Rusthy sa kanyang ama.
"Inaasikaso pa ng mga doktor si Marion.. " Mangiyak-ngiyak na sagot ng kanyang ama.
"Pa what's wrong?" Kinakabahan niyang tanong.
"Ang sabi ng doktor... Ihanda nalang daw natin ang ating sarili..." Aniya.
"NO!!! Hindi.. mabubuhay si Ate.. Mabubuhay siya.. Kailangan siya ni Camille... Kailangan natin siya..." Sabi ni Rusthy.
Sumilip siya sa emergency room... Abala ang mga doktor at nurse sa asikaso sa kanyang kapatid.
"Ate please..lumaban ka!! Please ate Marion.. please lumaban ka!!!" aniya.
Lumapit si Majaya sa glass at nakatitig kay Marion.
"Ate Marion...Please hold on... Lumaban ka ate Marion..Lumaban ka.." Aniya habang dumadaloy ang kanyang mga luha. Naramdaman niyang may humihila sa laylayan ng kanyang damit. Si Camille... Nagtatanong ang mga mata nito...
Kinarga niya ang bata at niyakap nang mahigpit.
"Tita Jaya.. Is my mom okay?" Tanong nito habang nakatitig sa loob.
"Yes baby.. She's going to be okay..." Sagot niya.
Biglang kinabahan si Majaya nang makita niyang nagpapanic na ang mga doctor sa loob... Napaigtad siya nang marinig ang hampas ni Rusthy sa glass..
"Ate MArion!!! " Sigaw nito.
Dagli niyang inilayo doon si Camille baka kung ano ang makita. Pati naman siya ay ayaw niyang makita ang sitwasyon na yun. Umupo siya habang kandong at yakap-yakap si Camille. Tinakpan niya ang tenga ni Camille dahil naghihistirekal na ang ina ni Rusthy.
"NO!!! MARION!!! NO PLEASE DON"T LEAVE US!! NO!!!" Sigaw ng ginang. Habang si Senyor Lucas naman ay luhaan din at kausap ang doktor. Yakap ni Rusthy ang kanyang ina, at siya man di'y umiiyak.
Alam na niya ang nangyari... Wala na si Marion. Nang tiningnan niya si Camille.. Tumutulo ang luha nito.. Parang nainindihan nito ang mga nangyari kahit di nito narinig.
"Baby.. Don't cry..." Aniya.
" Si...si Mommy..." at tuluyan na itong umiyak.
Niyakap niya si Camille, at pinakawalan na rin niya ang kanyang mga luha.
HIndi na talaga nailigtas ng mga doktor si Marion. tatlong bala ang tumama sa dibdib nito... Pinilit nilang iligtas subalit katawan na nito ang nagsurrender. Nakaabang pa rin sila doon sa labas ng emergency room. Maya-maya'y nilabas na ang katawan ni Marion, may takip na itong puting tela. Lumapit sina Rusthy, lucas at ang asawa nito.
"Marion anak... bakit mo kami iniwan... Maion..huhuhu!!" Wika ng ina nito.
"Ate..." Tanging nasambit ni Rusthy at hindi na nito napigilan ang sariling humaguhol.
Si Majaya naman ay lumapit din karga pa rin niya si Camille. Tahimik na nakatitig si Camille sa ina habang nag-iiyakan na ang lahat. Maya-maya ay nagpababa ito kay Majaya sa cart na nilagyan ng katawan ni Marion. Niyakap niya ang kanyang ina..
"Mommy... wake up na..." Sabi niya. Niyugyog niya ang katawan ng kanyang ina. "Mommy please stop sleeping!!! Mommy please..." Aniya habang niyayakap at hinalik-halikan ang kanyang ina.
"Baby..." Akmang kukunin siya ni Rusthy doon.
"NOO!! I want to stay with mommy!!!" Sigaw nito. " MOmmy please.. mommy please let's go!! stop sleeping!! Wake up!! wake up!!!" Galit na sabi niya.
"Baby.. mommy is gone!!!" Wika ni Majaya.
"NOOO!!! She's not!!!! MOmmy please!!! Iniwan na tayo ni Daddy!! please mommy please don't leave me like dad!!! Mommy!!!" pagsisigaw ni Camille.
NIyakap siya ni majaya pero nagpupumiglas ito...
"Let go of me!!! I'm waking up mom!!!" Sabi nito. Pero ang luha ni Camille ay tuloy-tuloy sa pagdaloy.
"Baby please..." Sabi ni Majaya.
"NO!!! MOMMY PLEASE!!!" Malakas niyang sigaw.. " PLease dont leave me!! hhuhu Wag niyo naman akong iwan.. wala na si daddy pati ba naman ikaw? Mommy please stop sleeping na.. Uwi na tayo.. mommy!! mommy!!! I won't be bad anymore... I will always be a good girl...just..just wake up mommy please... MOMMY!!!" Sigaw niya. Pumalahaw na nang iyak si Camille habang nakadapa sa walang buhay na katawan ng kanyang ina. habang ang mga nanonood ay di rin maiwasang maluha dahil dito.
Pwersahang kinuha na ni Rusthy si Camille sa pagkadagan nito sa kanyang ina. Nagpupumiglas ito at humihiyaw dahil gusto nitong makayakap ang ina. Subalit hindi na siya pinagbigyan ni Rusthy. Niyakap siya nito nang mahigpit hanggang sa huminahon ito sa pag-iyak hanggang sa makatulog.
Nagluksa ang buong hacienda dahil sa sinapit ni Marion. Umuwi rin si Aries kasama si Shasha, dahil kasalukuyan silang nanirahan muna sa Maynila pagkatapos ng kanilang kasal dahil maselan ang pagbubuntis ni Shasha at gusto nitong magstay sa bahay nila. Isa pang rason ay umiiwas siya kay marion na galit na galit sa kanya.
****************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
BETHROTED
RomanceA story of a girl who is engage to a man by his father's will... Yet she has the courage enough to go to strange place and to prove that the reason of marriage is love... and that she will find the man who would love her not because of her riches bu...