15

648 30 8
                                    

A/N: Sana po masagot ng chap na 'to ang mga sagot nyo ;)

"Speak", agad niyang sabi pagkalapat ng pinto. Halos maramdaman ko ang lamig sa kanyang tono, wala na ang dating malambing at masuyo niyang pananalita. Naamoy ko rin ang alak sa hininga niya pero mukhang hindi naman siya lasing.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong kinakagalit mo..." napatingin siya sa akin at napangisi na tila hindi makapaniwala.

"Hindi naman kami magkadugo ni Zen, walang incest doon. Hindi rin naman kami lumaki na parang magkapatid, matanda na kami nang magkakilala. Pero aaminin ko, hindi ko inaasahan ang naging takbo ng mga bagay-bagay. Siguro sasabihin mong isa 'yong pagkakamali, pero hindi ako nagsisisi. Dahil si Ram, ang anak ko ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Napalunok ako nang tingnan niya ako na parang nang-uusig.

"I can understand Azra, kaya kong intindihin na nagkamali kayo. But living a lie? I should give you and Zenki a slow clap for that. Sa napakahabang panahon nagawa n'yong kumilos at mag-usap na parang wala kayong ginawang mali at hindi niya anak si Ram. Hanggang ngayon I'm still wishing that it's just a nightmare o kaya jino-joke mo lang ako..." tumawa siya ng pagak at walang buhay.

"Ang hindi ko maintindihan, bakit hindi niyo sinabi kina tita? How can you sleep peacefully knowing that your child's father, whom he had been longing for all his life, is just a room away? Paano niya nakakayang marinig na tinatawag siyang 'tito' ng sarili niyang dugo't laman? Higit sa lahat, nakakaawa ang bata. Both of you are selfish. Damn selfish."

"Tatanggapin ko 'yan, siguro nga makasarili ako dahil ayokong mawala sa'kin ang anak ko. Ngunit hindi si Zen, dahil wala siyang kamalay-malay na siya ang nakabuntis sa akin." Lalong tumalim ang mga mata niya.

"Kalokohan! Imposibleng hindi niya alam!" Pasigaw na ang tono nito.

"Sa pagkakataong 'to, hindi ako nagsisinungaling Diesel..." pumikit ako ng mariin bago nagpatuloy. Ilalatag ko na sa kanya ang lahat ng tungkol sa pamilya ko, kahit alam kong lalo siyang mamumuhi sa akin.

"Alam mo namang matagal kong hinanap ang tunay kong pamilya, at si Zen ang naging daan ko upang matagpuan sila. Sa pagnanais kong makapaghiganti kay Erin, dahil pakiramdam ko'y inagaw niya ang buhay na dapat ay para sa akin, ginamit ko ang kapatid niya para isakatuparan iyon." Mahina at tuloy-tuloy kong kwento.

"A-at hindi ka niya nakilala nang magkita kayo? Hindi niya naisip na baka anak niya si Ram?" Naguguluhang tanong nito.

"Hindi niya ako nakilala dahil nag-balatkayo ako dati." Dumilim lalo ang kanyang itsura, lumapit siya at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso.

"You mean hindi lang sina tito't tita ang niloloko mo? Even your son's father? Ni isang tao walang nakaka-alam? Lahat ng taong nakapaligid sayo, kapamilya't kaibigan ay ginawa mong tanga't walang muwang! How could you?! Are you even for real?" Kitang kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib, tanda ng pinipigilang emosyon. Hindi ako sumagot, hinayaan kong lumipas ang alon ng galit niya.

"Nakakatakot ka pala, I never thought vendetta is your bestfriend." Napa-iling siya at animo nanlalatang binitiwan ako, "I just can't believe that the woman I love is the biggest liar I could ever know. And it fucking hurt," ilang beses akong kumurap upang pigilan ang luhang nagbabantang malaglag.

"I'm sorry. Pasensya ka na kung nasasaktan ka dahil sa'kin. Tatanggapin kong kinamumuhian mo na ako at gusto mo nang makipaghiwalay, pero si Ram... nakiki-usap ako sa'yo Diesel. Huwag mong idamay ang bata, lagi ka niyang hinahanap. Pakiusap, makipagkita ka naman sa kanya." Tiningnan ko siya ng may nagsusumamong mga mata, ito nalang ang tangi kong magagawa para iligtas si Ram sa nagbabantang sakit.

"And now you make it sound like I'm the evil person here huh. Don't worry, hindi ko siya dinadamay. In fact, dadalawin ko s'ya bukas na bukas din." Parang nawala ang kamay na sumasakal sa leeg ko dahil sa sinabi niya, nakahinga ako ng maluwag at napa-ngiti.

"Salamat-", pero hindi niya ako pinatapos at bigla akong tinalikuran. Lumakad siya sa pinakamalapit na bangko at na-upo, pagkatapos ay matiim niya akong tinitigan.

"Don't thank me yet, may kundisyon ako. I know it's not my story to tell, pero since damay na rin ako dito, gusto kong sabihin mo na sa pamilya mo ang totoo." Napakunot ang noo ko.

"Ang katotohanang matagal mong itinago, the truth that Ramiel is Zenki's son." Para ako nabingi sa sinabi niya, nagimbal ang pagkatao ko.

"A-ano?" Nanlalaki ang mga matang usal ko.

"Tama na ang pagkukunwari mo Azrael. You might think gumaganti ako, but I'm not. Hindi ako ganong klase ng tao. And you know that, one day you will thank me for this." Malumanay niyang wika.

"It's high time you tell them this important matter. Kahit hindi muna kay Ramiel, but eventually you have to tell him too. I'm afraid I can't be there for him forever. Pero sa pamilya mo, you have to tell them now." Seryoso niyang wika at nahigit ko nalang ang aking hininga.

"Baka sabihin mo napakasama ko, alang-alang sa pinagsamahan natin...sasamahan kita. Let's go." Napanganga ako nang tumayo siya at tinungo ang pinto, halos pangapusan ako ng hininga habang pumapasok sa utak ko ang mga posibleng eksena. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang pihitin niya ang seradura at tuluyang buksan ang pinto.

Hindi siya nagbibiro! Gusto niyang ipaalam sa pamilya ko ang natuklasan niya, ngayon mismo!

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon