2

1.7K 63 32
                                    

-Azrael-

Hindi ako natatakot pero malungkot isipin na hindi sila matutuwa sa ibabalita ko. Sino ba namang magulang ang matutuwa kung ang nawalang anak ng matagal na panahon ay bumalik ng buntis sa batang edad. Pero handa na ako sa ano mang magiging reaksyon nila, kung hindi nila matatanggap, walang problema. May pera ako at may matatakbuhan, nabuhay ako nang matagal na panahon na wala sila sa tabi ko at kaya kong bumalik doon.

Sa kasalukuyan ay magkakaharap kaming naka-upo sa loob ng maliit na opisina sa aming bahay. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking kalooban.

"Ma, Pa, buntis po ako." Hindi pa man nag-iinit ang aming pagkaka-upo ay ibinagsak ko na ang balita, mas maaga mas mabilis itong matatapos. Pareho silang napanganga at matagal na hindi nakatugon.

"Angelique, sigurado ka ba?" Unang nakabawi si papa, malumanay ang kanyang tono.

Tumango ako. "At paki-usap, tawagin nyo akong Azra. Hindi na po ako si Angelique, hindi na ako ang mahina at na-kidnap na bata noon."

"P-pero anak, sino ang a-ama? He must be responsible for this." Naluluha nang wika ni mama, kumuha siya ng panyo at pinahiran ang gilid ng kanyang mga mata.

"Patawad pero hindi ko po maaaring sagutin ang tanong nyo, desidido na po akong huwag ipaalam sa kanya ang kalagayan ko. Mas mabuti na ang ganito, ayokong guluhin siya at isa pa nasa ibang bansa po siya."

"Anong plano mo?" Seryosong tanong ni papa.

"Palalakihin ko siya ng mag-isa, kung papayag kayo dito kami titira pero kung hindi meron po akong ibang matutuluyan." Walang emosyon ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko, animo nakikipag-usap ako sa kapwa negosyante.

"None sense! Dito kayo titira, ibibigay natin ang lahat ng nararapat para sa kanya. Ako ang kanyang lolo." Kunot noong sabi ni papa na ikinagalak ko naman.

"Your father's right, hindi na namin hahayaang mawalay ka pa sa amin lalo na ang aming apo." Tumayo si mama sa kanyang kina-uupuan at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Mahal na mahal ka namin anak, kung ano man ang desisyon mo, we will support you. Always remember that we're here for you and for our grandchild." Yakap niya ako habang sinasabi ito ng may pagmamahal.

Hindi ko namalayan ang pagkawala ng isang butil ng luha, naramdaman ko na lamang na basa ang aking pisngi. Habang si mama ay mahigpit pa rin ang yakap sa'kin at si papa naman ay bahagyang may ngiti sa kanyang mga labi.

"Nay, may good news ako sa'yo. Magkaka-apo ka na." Ka-usap ko sa puntod ng kinilala kong ina sa loob ng mahabang panahon. Inilapag ko ang dala kong bulaklak at sinindihan ang kandilang baon ko rin.

"Akala ko noong mawala ka hindi ko na kayang mabuhay ng masaya kaya sinubukan kong sirain ang buhay ni Erin. Hindi ko ina-asahan na darating ang panahon na mapapatawad ko siya at mawawala ang galit na itinanim ko sa aking dibdib. Alam mo naman di'ba? Kinuha niya ang buhay na para sa akin, dati ayos lang kasi nand'yan ka. Pinaramdam mo sa akin na hindi ko na kailangan pang bumalik sa totoo kong mga magulang, pero nang iwan mo ako... Ang laki ng kakulangang naramdaman ko. Gusto ko ulit maramdaman ang yakap ng isang ina, na-isip ko meron pa akong isang nanay kaso may umangkin sa kanya. Nag-ampon sila ng kambal, nakita ko kung gaano sila kasaya, kung gaano kamahal ng tunay kong mga magulang ang mga ampon nila. Nakalimutan na yata nila ako, nakalimutan na nila ang batang nawalay sa kanila at naghintay na maligtas."

Hindi ko tinangkang pigilan ang pag-agos ng aking mga luha, sa harap man lang ni nanay mailabas ko ang tunay kong nararamdaman.

"I miss you so much, hindi ko kinaya ang lungkot habang nakikitang maligaya at walang problema ang babaeng pumalit sa akin... so I tried to kill her. Nay, sinubukan kong patayin si Erin pero hindi ako nagtagumpay, siguro nga mahal pa rin ako nina mama't papa. Ako ang pinili nila, tanggap din nila si baby."

Pinunasan ko ang mukha kong tigmak ng luha, may ngiting sumilay sa'king mga labi.

"Okay na 'ko nay, hindi ko inaasahan 'to pero ang saya saya ko. Kahit mahirap, pipilitin kong maging mabuting ina, gagayahin kita. Lagi kong tatandaan ang mga bilin mo. 'Wag ka nang mag-alala, ayos din naman sina Chanel, Gucci at Celine, alam ko namang lagi mo kaming gagabayan. Bibisitahin kita ulit sa lalong madaling panahon, isasama ko rin sila. Alis na muna ako, tambak na ang paperworks ko, akalain mo 'yun. Dati rati baril ang hawak ko pero marahil mas mabuti na ito, para mas maging tahimik na ang buhay namin."

Tumayo ako at bahagyang kumaway sa puntod bilang pamamaalam. Pinagpag ko ang aking pantalon at tumalikod na upang lumakad papunta sa aking sasakyan nang bigla akong may naalala, muli akong lumingon at ngumiti.

"Goodbye angel Keith, promise dadalhin ko agad dito si baby paglabas niya."

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon