A/N: WARNING, SABAW NA UD XD.. pls correct me kung kasal na ba si Kuya ni Azra kasi nakalimutan ko na..hheheheh XD
Note: Some rides ay imbento ko lang
"Sky Ranch! Sky Ranch! Sky Ranch!" Sabik na sigaw ni Ram nang makita ang malaking pangalan ng amusement park. Matapos ang dalawang oras na byahe ay nakarating rin kami sa aming destinasyon.
Agad na hinila ni Ram ang kamay ni Zen nang huminto ang sasakyan, na naaaliw naman sa sigla ng bata, napapa-iling na sumunod nalang ako sa kanila.
"Grabe, my butt hurts!" Reklamo naman ni Erin pagkababa ng van.
"Come back here babe! Samahan mo 'kong maghanap ng parking space." Agaw pansin sa kanya ni Kurt na siyang nagmamaneho, wala nang nagawa ang dalaga kundi lumabi at bumalik sa pagkaka-upo sa loob ng sasakyan.
"Excited ka ba hon?" Baling naman ni Kuya sa fiancée niya na sumagot lang ng banayad na ngiti, unang beses nitong sumama sa family outing kaya marahil ay nahihiya pa.
"Romeo, dapat yata hindi na tayo sumama. I don't think I can ride those big machines." Tila nahihintakutang wika ni Mama.
"Well, ako'y kayang-kaya ko pa. Ikaw lang naman 'tong napaghahalataang may edad na." Sagot naman ni Papa na umani ng halakhak mula sa amin at matalim na tingin naman mula sa kanyang esposa.
"I mean, mag sightseeing nalang tayo mahal. This is Tagaytay after all, meron naman siguro silang picnic area kung saan pwede kitang masolo." Agad namang bawi nito bago pa tuluyang magtampo si mama.
"Tara na po! Tatay, samahan nyo 'ko sa mga rides ha. Let's try them all!" Hindi mapakaling akit ng anak ko sa ama niya, at nagsimula na nga silang maglakad patungo sa pasukan ng parke.
"Hmmn... I think we shouldn't ride them all today. Bukod sa sobrang mapapagod ka na, mawawalan ka pa ng reason na bumalik dito 'di ba?"
"Ay! Oo nga po, hahaha!"
Napagdesisyunan ng grupo na maghiwa-hiwalay muna at magkita-kita nalang pagsapit ng tanghalian dahil mas madali 'yon lalo na't may karamihan din ang tao. Natural na 'yong magnonobyo at mag-asawa ang magkakasama kaya wala akong nagawa kundi sumama kina Ram at Zen.
Nagmungkahi akong sa mga magulang ko sumama upang alalayan sila pero pinagtabuyan nila ako pagka't may kasama naman daw silang isang kasambahay namin.
Una naming sinakyan ang Sky Eye o ferris wheel, manghang-mangha ang anak ko noong nasa tuktok kami at tumambad sa amin ang napakalawak na lupain, kabilang na ang taal volcano at maging ang lawa.
Sumunod naman ang Extreme Bus na nakakagulat dahil mula taas ay bigla nalang babagsak at aakalain mong matutuloy sa lupa ngunit hindi naman, sigaw ng sigaw si Ram at kahit ako ay napatili rin.
Pinanood nalang namin si Ram sa Jump Around na tila nag-jeep jamboree trip dahil aalog-alog ang sinakyan nila. Sinubukan din namin ang Express Train, Snail Attack at Dream High.
Ipinanghuli namin ang Zip line, sabay-sabay kaming tatlo at nasa gitna namin ni Zen si Ram.
Nang mapagod ay nagpasya na kaming puntahan sina mama at papa na mukhang nalibang din sa pamamasyal at pagkuha ng mga litrato. Hindi nagtagal ay na kumpleto na kami at magkakasamang nananghalian na may halong huntahan ng kani-kanilang mga naging karanasan sa rides.
Pagkatapos maglibot-libot pa ay nagpasya na kaming umuwi bandang alas tres ng hapon, kinailangan kong pumunta ng rest room dahil parang sasabog na ang pantog ko kaya't pinauna ko na sila. Pinilit ko nalang bilisan ang kilos at medyo malayo 'yon sa Exit.
Tahimik akong pumwesto sa likod nila matagpuan kong hinihintay pa rin nila ang van, nasa bandang unahan sina mama at wari'y nag-aasaran na naman sila ni Papa. Wala sina kuya at ang kanyang nobya na siyang nakatokang magmaneho pauwi. Nasa likuran naman sina Erin, Kurt at Zen na dala-dala sa kanyang mga bisig ang tulog nang si Ramiel.
Walang ingay akong pumila kasunod nila habang gumagawa ng mensahe sa aking cellphone para sa sekretarya ko.
"Hoy, baka naman malusaw na 'yang anak mo kakatitig mo d'yan." Narinig kong kantyaw ni Erin sa kakambal nito.
"It just amaze me kung gaano sila magkamukha ni Azra." Sinserong sagot ni Zen.
"Soows! Sabihin mo crush mo ang nanay ng anak mo."
"Sshhh! Huwag ka ngang maingay, you might woke him up."
"Ayee, umiiwas ka pa eh... Aminin mo na! hindi ako titigil hangga't hindi ka umaamin." Nanunukso pa ring sabi ni Erin at bahagyang binunggo ang balikat ni Zen.
"Okay fine, I like her." Kahit mahina ay malinaw na nakarating iyon sa pandinig ko, napakurap ako at napa-singhap.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...